Maid In Disguise - Chapter Two

10.1K 164 4
                                    

Hindiko naman alam na pareho lang kami ng condo building na tinutuluyan ni ‘loverboy’ mo. Sigurado ka bang hindi ka pa niya nakikita? Baka mamaya, mabulilyaso ang plano mo.”

            “Plano natin,” pagtatama ni Snow sa lintanya ni Aniza. “Sigurado ako dahil sabi na rin mismo ni Mama ay hindi pa kami nagkikita maski ng mga bata pa kami.”

            “Pa’no ka pinayagan ng mama mo?” sabi naman ni Maan habang pinanggigigilan ang throw pillow sa sofa ni Aniza.

            “‘Charm power’!” bumubungisngis na sabi niya. “Hoy, Aniza. Saan dito si August at nang mapuntahan na.”

            “Mamayang alas-singko ka na pumunta para sigurado na nasa unit na siya. Unless… may lakad siya at gabi pa siya uuwi.”

            “Nakita namin ang picture ni August sa Internet, Snow. Juskoh, ang gwapo! Waffulicious si loverboy mo!”

            Kulang na lang, mag-drool ang bruhang ito. Umismid siya. Pero gwapo kaya talaga siya?

 

GUTOM na ako…

            Kakauwi lang ni August sa kanyang pad. Pagod at gutom na siya. Kahit na pinameryenda sila sa meeting nila kanina ng mga Japanese investors, hindi naman siya kumain dahil hindi naman siya mahilig kumain ng mga Japanese food.

            Pagod na humilata siya sa sofa. Magpapa-deliver nalang siguro siya ng pizza para sa hapunan niya pagkatapos niyang magpahinga. Sa totoo lang, matagal na hindi siya nakakakain ng matinong pagkain.

            Nag-ring ang cellphone niya. Pagtingin niya sa cellphone niya ay isang business partner niya ang tumawag. Nagtagal ang usapan nila ng sampung minuto. Pagkatapos ay nag-ring uli ang cellphone niya. Iritadong sinagot niya iyon.

            “Hello?”

            “Hi,babe. 'Musta na?”

            “Rachel. How are you?”

            “Fine. I’m here at Mercedez bar. Wanna join with me?”

            “I’m sorry, babe. I’m a bit tired.”

            “Ako nalang ang pupunta sa pad mo.”

            “Sorry, babe. Not now.”

            “Okay, I’ll see you next time. 'Love you. Bye.”

            “Bye.”

            Nang matapos ang tawagan na iyon ng kanyang “past-time” fling ay pumikit siya ng mariin. Hindi naman siya mahilig makipagrelasyon ng walang commitment. Gusto lang naman niya na kahit na papaano ay may nag-aalala sa kanya at may kadaldalan siya.

Gusto na niyang umidlip. Pero bigla namang may nag-doorbell.

            “Damn!” dali-daling bumangon siya. Nang buksan niya ang pinto ay nakita nalang niya ang sarili niya na nakatingin sa babaeng may magandang mga mata.

“HELLO, Sir. Mag-a-apply po sana ako na maging maid n’yo.”

            Biglang nagsalubong ang kilay nito. “I don’t need a maid.”

            Sungit naman nito. “Baka po kasi kailangan n’yo. Marunong po akong maglinis ng bahay, maglaba, mag—”

Maid In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon