Maid In Disguise - Chapter Four

8K 146 4
                                    

Good evening, Sir August.”

            Nakita ni August na nasa kusina si Snow at naaamoy niya ang aroma ng niluluto nitong tinolang manok. Bahagyang kumunot ang noo niya nang maalala niya ang bagay na natuklasan niya…

            “Kumusta, hijo? 'buti naman at napadalaw ka. Kaya lang sayang naman dahil kaaalis lang ng anak ko kanina lang.”

            “Ganoon ho ba? Ayos lang naman ho 'yon.”

            “Maupo tayo,” yakag sa kanila ni Norman. Naupo sila sa sofa. “Kumusta ka na, hijo?”

            “Ayos lang ho. Medyo busy lang po sa bangko,” ngumiti siya ng matipid.

            “Sayang talaga at hindi niya nakita si Snow, 'di ba, 'Pa?”

            “Oo nga. Teka, nakita mo na ba siya?”

            “H-hindi pa ho. Pero gusto ko ho siyang makita kahit na litrato lang.”

            Tumayo si Sally at kumuha ng photo album sa ilalam ng isang mesita. Binuksan nito iyon at lumapit sa kanya.

            “Ito si Snow. Latest picture niya iyan,” itinuro ni Sally ang picture. Napasinghap siya. Sinasabi ko na nga ba!

            “Bakit, hijo?”

            “M-may… aaminin ho ako sa inyo…”

            “Ano 'yon?”

            “K-kilala ko ho ang babaeng ito. Ito po ang katulong ko sa unit ko.”

            Sabay na napasinghap ang mga magulang ni Snow.

            “August?”

            Napakurap-kurap siya nang marinig niya ang boses ni Snow.

            “Gusto mo ng tubig?”

            “S-sige.”

            Tumalima ito. Siya naman ay naupo sa sofa at nahilamos ang mga kamay sa mukha.

            “May problema ba?” tanong nito nang iabot nito ang isang basong tubig.

            “Wala naman,” mabilisang ininom niya iyon. “Nakaluto ka na ba?”

            “Hindi pa tapos.”

            “Sige, iwan mo muna ako rito. Napagod lang ako.”

            Umalis na ito pero nilingon siya nito nang makarating ito sa kusina.

            Haay, Snow. What’s your purpose of staying here?

 

 

ANO kaya ang problema no’n?

            Napabuntong-hininga nalang si Snow habang nakatingin sa niluluto niyang tinola. Bigla siyang nanibago sa mga kinikilos ni August. May nasabi kaya sina Mama kaya parang na-frustrate ang isang 'to?

            Siguro meron. Kaya parang sambakol na hindi maintindihan ang mukha niyan.

            Tama.

Maid In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon