Maid in Disguise - Chapter Ten

7.6K 141 3
                                    

Agad na nilingon ni Snow ang nagsalita. Nanlaki ang mga mata niyang bigla. “A-August...?”

            “The one and only.”

            Bumata ang itsura nito dahil clean-shaven ito. Nakangiti ito sa kanya at nagniningning ang mga mata.

            “A-anong ginagawa mo rito?”

               “Sinabi ko na kanina. I am applying for a certain position I used to occupy two years ago.”

               “H-hindi ko maintin—”

               “I missed you,” madamdaming sabi nito. He was even teary-eyed. Kaya nag-init ang sulok ng mga mata niya.

               “Hindi ba ipinangako ko sa’yo na magkikita pa tayo? At 'eto ang araw na iyon. I’m so happy to see you, Snow. Kung alam mo lang kung gaano kita na-miss. Dalawang taon akong nangulila sa’yo. I-I love you, Snow.”

               Napatayo siyang bigla. “A-ano? Nag-‘I love you’ ka sa’kin? Hah! Alam mo ba na dalawang taon na ang lumipas? Ang akala mo ba ay mahal pa rin kita?”

               “B-bakit? Hindi mo na ba ako mahal?”

               Hindi niya masagot ang tanong nito. Siyempre, baka umasa na naman siya. Nadala na siya. Ayaw na niyang umasa pa sa mga ipinakikita nito sa kanya. Pero dahil babae lang siya, natatakot siya na biglang humulagpos ang damdamin niya para rito.

               “Mula nang magpaalam ka sa’kin, wala na akong ginawa kundi ang magtrabaho sa bangko. Ni hindi ko maatim na umuwi dahil ayaw umalis ni Eclaire sa condo unit ko. At ayokong umuwi roon kung alam ko na hindi naman ikaw ang daratnan ko roon. Kaya naisip ko na pumunta nalang sa France.

               “Mula nang dumating ka sa bahay, naramdaman ko na nagbago ang lahat sa paligid ko. Sa una pa lang ay hindi ako sanay na may ibang tao sa bahay ko dahil gusto ko ang mapag-isa. Pero nang dumating ka, nagbago ang lahat. Naging masaya ang kapaligiran ko. Ang ngiti’t tawa mo ang nagbibigay ng kulay sa buong paligid ko.

               “Nang una kitang makita, pakiramdam ko ay nakatita ako ng anghel. Pero siyempre, inobserbahan kita dahil baka masamang tao ka dahil bigla ka nalang dumating sa buhay ko.

               “Hanggang sa nalaman ko na in love na ako sa’yo. Paano? Dahil sa pag-aalaga at pagmamahal mo sa akin. Alam ko na mahal mo ako dahil iyon ang ikinikilos mo. Kaya heto ako, ipinaramdam ko sa’yo na mahal rin kita. Pero nagkamali ako dahil hindi ko inayos ang lahat bago kita mahalin.”

               Huminga ito ng malalim. “Involve pa ako sa relationship namin ni Eclaire. Noon pa man ay may lamat na iyon dahil sa mga katangian na hindi ko gusto sa kanya. Masyado siyang clingy, hindi marunong sa gawaing bahay, isip bata at mahilig sa mga party. Noon pa man ay gusto ko nang makipghiwalay sa kanya. Kaya nang minsan ay nag-e-mail siya sa akin, sinabi ko na umuwi siya rito at may mahalaga kaming pag-uusapan. At iyon ang pakikipaghiwalay ko sa kanya.”

               Taimtim na nakikinig siya sa kwento ni August. Sa palagay niya ay magkakaroon sila ng mahabang pag-uusap at paglilinawan sa isa’t-usa.

               “Snow, maniwala ka na ang gusto ko lang naman ay ang makapiling ka. Nang malaman ko na ang lahat-lahat tungkol sa iyo ay ayaw na kitang pakawalan pa. Kahit sa panaginip ko ay ikaw ang laman ng isip ko. Pati na ang puso ko,” hinawakan nito ang kamay niya at itinapat iyon sa puso nito. “Please let me be your husband.”

               “A-are you proposing to me?”

               “Yes! Dahil mahal na mahal kita...” inilapit nito ang mukha sa kanya at hinalikan siya sa mga labi.

               Pero agad siyang lumayo rito. Naluluha na siya. “H-huwag mo itong gawin kay Eclaire, August. P-pakiusap...”

               Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. “Listen. Ipapaliwanag ko sa’yo ang lahat. Bago ako nagpunta sa France ay nilinaw ko na kay Eclaire ang lahat. Sinabi ko sa kanya ang dahilan kung bakit ko siya pinauwi dito sa 'Pinas. Sinabi ko rin sa kanya na ikaw ang mahal ko. Nagalit siya. Kesyo pinaasa ko raw siya at sa isang katulong lang ay umibig ako. Sinampal pa niya ako pagkatapos ko sabihing ikaw ang nakatakdang maging fianceé ko.

               “Alam ko na mali rin ako dahil nagkagusto pa ako sa iba kahit na alam kong may tao nang nakatadhana na pakasalan ko. Wala akong magagawa dahil gwapo lang talaga ako,” hinampas niya ito sa balikat. Tumawa lang ito. “Pero pagkatapos kong ipaliwanag sa kanya ang lahat, sinabi niya sa akin na may lihim siyang karelasyon sa Australia. Kaya ang sabi ko sa kanya, ‘Paano ba 'yan? Quits lang tayo.’ Hinayaan niya ako sa desisyon ko. Bahala na siya sa buhay niya.”

            Niyakap siya nito ng mahigpit. Hinayaan niya ito. Pagkatapos ay malaya niyang inilabas ang mga luha niya habang nakakulong siya sa mga bisig nito. Ito ang lalaking mahal niya. At kahit na anong mangyari ay hindi na siya aalis pa sa tabi nito.

               “August?”

               “Hmm?”

               “Mahal na mahal kita.”

               “I know.”

               “Huh?”

               “Laging nagkukwento sa akin ang mama mo. Sinabi pa nga niya sa akin na nakita raw niya ang picture ko sa ilalim ng unan ko. Nang minsang pasukin ka niya para tingnan kung tulog ka na, nakita niya na yakap mo iyon. Kaya alam ko na kahit nasa malayo ako ay mahal mo ako.’

               Nag-init ang mga pisngi niya. “P-pero bakit ngayon ka lang?”

               “Dahil gusto kong bigyan ka ng time para sa nararamdaman mo. At para makapaghanda ako ng mga bagay para sa kasal natin. Bumili na rin ako ng bahay para sa ating dalawa. Nakausap ko na ang mga wedding coordinators. Pati ang pari na gusto kong magkasal sa atin ay kinausap ko na...”

               Niyakap niya ito ng mahigpit. “Thank you, August. Thank you for loving me. Hindi ako nagsisisi sa naging resulta ng pagpasok ko bilang maid mo. At bilang fianceé mo. I love you.”

               “Thank you rin dahil dumating ka sa bahay ko para kilatisin ako. At dahil doon, minahal kita ng lubos. I love you.”

               Agad na nagtagpo ang kanilang mga labi. Ngayon ay natupad na ang pangarap niya. Ang dumating ang taong mahal niya para makasama siya habambuhay. Wala na siyang mahihiling pa.

Maid In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon