“LOOK who’s here.”
Napatingin si Snow sa dalawang babaeng nakatayo sa harap niya. Kasalukuyan siyang nakaupo at humihigop ng kape sa waiting area ng laundry shop na tinuro sa kanya ni August. Nasa baba lang pala ng condominium ang laundry shop katabi ng isang coffee shop, maliit na bookstore at internet café.
“Siguro maid lang siya ni August kaya siya nandito.”
“Hindi ba siya marunong maglaba? Kawawa naman.”
Nandito na naman ang mga makasalanan. Lord, patawarin Mo po sila…
“Bakit hindi ka magsalita? Katulong ka nga lang siguro ni August.”
“Hay, naku…” usal niya. “Wala ba kayong magawa? Hindi rin ba kayo marunong maglaba tulad ko?” pang-aasar niya sa mga ito.
“Excuse me?” mataray na sabi ng babaeng nakasuot ng maikling short. Talagang mahilig ito sa short na maikli.
“Sabi n’yo kasi, ‘bakit hindi ka magsalita?’ Kaya iyan, nagsalita na ako.” Pamimilosopo niya.
Narinig niyang natawa ang ibang mga babae na nakaupo rin malapit sa kanya. Marahil ay naghihintay rin ang mga ito.
“Sino ka ba talaga, ha?”
“‘Snow Roque’ ang pangalan ko. Ako lang naman ang mapapangasawa ni August.”
Sabay-sabay na napasinghap ang mga tao sa loob ng laundry shop.
“Ilusyunada ka rin, 'no? O nagpapatawa ka lang?”
“Mukha ba akong nagpapatawa?”
“Siya ang fiancée ko.”
Sabay-sabay na napatingin sa lalaking nagsalita ang mga tao roon. Nandoon pala si August at naka-office attire pa ito.
“A-August?”
“Hi,” hinalikan siya nito sa pisngi na ikinabigla niya. Inakbayan pa siya nito nang maupo ito sa silyang bakante sa tabi niya. “Anong meron dito?” tanong nito.
“H-hi, August! Kinukumusta lang namin ang fiancée mo.”
“Sinungaling!” sabay-sabay na sabi ng mga tao sa mga maaarteng babae.
“O, sinungaling daw kayo,” sabi niya. “Paano ba yan?” binalingan niya si August. Now is the time to crash this bitches… “Alam mo ba, August, sabi nila sa akin nang sabihin ko sa kanila na fiancé kita, ilusyunada raw ako.”
“Sinabi nila 'yon?” tumingin si August sa dalawang babae ng masama. “Bawiin n’yo ang mga sinabi n’yo. Hindi kayo pinapatulan ng girlfriend ko kaya kung ayaw ninyo na ako ang magsumbong kay Mr.Alcaraz, tumigil kayo sa pang-aaway ninyo sa mga babae rito sa condominium niya. Sigurado akong kayo ang sisisihin kapag nawalan siya ng mga buyer ng mga units dito.”
“How dare you, August!” sigaw ng isang babae.
“'Wag n’yo nga siyang sigawan!” Bulyaw niya sa mga ito. Naglabas naman ng cellphone si August.
“Oo. Nandito ako sa laundry shop sa lobby. Sige.”
Maya-maya ay nahintakutan ang mga babae nang pumasok ang owner ng buong condo na si Mr.Alcaraz. Sabay-sabay na itinuro ng mga tao roon ang dalawang takot na takot na babae.
![](https://img.wattpad.com/cover/1220065-288-k94474.jpg)
BINABASA MO ANG
Maid In Disguise
RomanceA Fictional story which revolves to a story of a rich girl who is too curious about his future fiance.