“ Tahan na. tama na 'yan.”
Kahit anaong pigil ni Snow ay ayaw tumigil ng mga luha niya. Nakilala na niya si Eclaire. At tama si August, maganda, mayaman at mahal nito si August. Pero parang may mali.
“H-hindi sila bagay,” sumisinghot na sabi niya.
“'Wag ka ngang bitter!” pero patuloy sa pag-aalo sa kanya si Aniza. “Tama na kasi…”
“Totoo naman, eh. Maganda nga siya, maitim naman ang budhi! Gumawa pa ng eskandalo nang makita niya ako. 'Yon ba ang mahal ni August?! Puwes, wala siyang taste!” bigla siyang humagulgol.
“Alam mo, kung iiiyak mo lang din 'yan, walang mangyayari sa 'yo.”
“Anong gusto mong gawin ko? Ako ang gagawa ng first move?”
“Pwede rin. Pero bakit hindi muna kayo mag-usap ni August?
Kailangang magkalinawan muna kayo para sa susunod, alam mo na ang gagawin mo.”
As if on cue, biglang may kumatok sa pinto. Nang buksan iyon ni Aniza ay si August ang nabungaran nito.
“H-hello… nandiyan ba si Snow?”
“Oo. Tuloy ka muna,” iginiya nito ang binata. Pagkatapos ay agad na tumingin ito sa kanya. Matagal na naghinang ang mga mata nila. Bumalik lang sa normal ang lahat nang eksaheradong tumikhim si Aniza.
“May kailangan muna akong bilhin sa grocery. Diyan muna kayo, ha?” agad na umalis ito.
Nang maiwan silang dalawa ay pumagitna ang katahimikan. Gusto na niyang magsalita pero nagkasabay naman sila.
“August—”
“Snow—”
“Ikaw muna—”
“Ikaw muna—”
“Mahal kita—”
“Sorry sa— w-what?”
Yumuko siya. “A-ang sabi ko… mahal kita…”
“Snow…”
“Pasensya na,” lumuluhang sabi niya. “Ito lang ang kaya kong sabihin. Mahal kita, August. K-kahit na alam ko na mahal mo si Eclaire, gusto ko na sa huling pagkakataon man lang ay magawa kong masabi sa iyo ang nararamdaman ko.
“Mas pagsisisihan ko kung hindi ko sasabihin ang lahat. At sa tingin ko, i-ito na ang tamang pagkakataon. M-mahal na mahal kita…”
“S-snow… I-I don’t know what to say…”
“Then don’t say anything,” pilit na ngumiti siya. “H-hindi kita makakalimutan.”
“A-aalis ka?”
“Oo siguro. Gusto ko munang magpahinga.”
“B-but… how about me?”
“H-how about you?”
BINABASA MO ANG
Maid In Disguise
RomansaA Fictional story which revolves to a story of a rich girl who is too curious about his future fiance.