Tanggap ko

70 2 9
                                    

‎Wednesday, ‎May ‎10, ‎2017, ‏‎4:54:37 PM



Tanggap ko.

Tanggap ko 'yung katotohanang may mahal ka nang iba.

At hindi mo mapapansin ang katulad kong tahimik lang na sumasamo

Na sana isang araw, mamahalin mo rin ako

Lagi kong inaasam ang maging maligaya ka

Hindi man sa aking piling, dalangin ko ang maging malaya ka sa pagmamahal sa kanya

Sana isang araw tuluyan ko nang masabing tapos na

Tapos na ang paghihirap ng kalooban kapag nakikita ka sa tuwina

Sapagkat minsan hiniling ko ring ika'y maging akin pero marahil hindi pa nakatadhana

O maaaring walang nakasulat na pahina para ipagtagpo tayong dalawa

Magkakasya na lamang sa panulat, lilikha ng prosang sasambitin ang kalungkutan

Pagdaka'y paglaya mula sa sariling kabalintunaang ako'y pagbibigyan

Napakalaki ng aking takot kung alam mo lamang

Sapagkat ang aking nararamdaman ay hindi pangkaraniwan

Ngunit siguro nga ang pag-ibig ay para lamang sa mga matatapang

Dahil ako ay nakikipaglaban gamit ang katahimikan

Hinihiling ko na lang na sana, sana, sana

Sa sandaling ako'y malagutan ng hininga at mabuhay muli sa isang persona

Sana'y yung kakayanin ko nang mahalin ka nang walang patumangga

Walang kinatatakutang batas, opinyon o kung ano pa man

Sana, sana, sana, ang magtagumpay sa huli ay ang pagmamahalan.

Random ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon