Today, August 8, 2017, 8:22 AM

94 2 3
                                    

"Hey."

Isang banayad na halik ang dumampi sa noo ko. At isang nakaheheleng yakap ang nadama ko mula sa pinanggalingan ng tinig.

"Good morning, love."

Napangiti ako, nakita kong pupungas-pungas pa siya ng mata, habang patuloy lang niya akong yakap ng mga bisig nya. Ang mga bisig nyang nagpaparamdam sa akin na, ligtas ako, walang dapat ikatakot.

"Magandang umaga rin sa'yo, mahal."

Naramdaman kong napatda sya, at mas hinigpitan nya ang pagyakap sa akin.

Hindi ako sweet na tao, pero nagagawa nya ito sa akin nang hindi nya ako pinipilit, tila ba kusang nakaprograma na ito sa aking sistema. Na para bang siya ang nakatakdang makapaglabas ng mga bagay na hindi ko laging nagagawa sa araw-araw.

Magkayakap kami ngayon, hinahaplos nya ang buhok ko para lalo pa akong makatulog.

Ang nangyari kagabi'y tila panaginip na animo'y pinalulutang pa rin ako sa alapaap, at wala na akong maintindihan kundi ang mahalin siya, at ibigay ang lahat ng mayroon ako, sa kanya.

At alam kong mahal na mahal nya ako, dinig na dinig ko at ramdam ko, mula sa pagdaiti ng aking tainga sa kanyang dibdib, mabibilis na tibok at malalalim na paghinga, tila isinisigaw ang aking pangalan, na siya rin nyang inuusal habang kami'y nagniniig sa ilalim ng gabi.

Random ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon