‎Today, ‎July ‎19, ‎2017, ‏‎2 minutes ago

68 1 3
                                        


mahal kita sa paraang alam ko

ang alam ko lang, gagawin ko ang lahat ng magagawa ko

ang lahat ng kaya kong ibigay

ang lahat ng kaya kong tanggapin

masasaktan ako oo, pero ganun talaga

nagmamahal ka e, walang hindi makakaramdam ng pagkabigo at kasawian

pero dahil ikaw ay mahal ko

sulit ang bawat pagdurugo ng puso

ngunit kapag dumating ang panahong masasabing

tama na, pwede na

okay na, malayang-malaya na

mukha mang imposibleng dumating ang araw na 'yun

maghihintay ako

hihintayin kita

wala nang dapat ipangamba pa. 



^_^'

Random ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon