CHAPTER 1
THE INTRODUCTION
Apan's POV
"Jake! Tulungan mo ako!!! Hinahabol ako ng mga weirdo na mga yun!" hingal na hingal akong lumapit sa kanya.
"Ha?! Bakit naman? Istorbo ka!" sinungitan pa ako.
"Hoy! Ha... Wait lang... Napagod ako kakatakbo..." umupo ako sa tabi niya.
"Sinong may KASALANAN?" tanong niya at tumaas ang kilay.
"Ikaw! Mapang-asar ka talaga!" binatukan ko nga siya.
"Masakit yun ah! Lagi ka na lang ganyan..." inilapag niya ang gitarang hawak.
Tumingin siya at sinabing...
"Ano ba kasi iyon?" sabi niya.
"Eh kasi po... HINAHABOL ako ng mga lalaking iyon... Sila Migs na naman eh!! Ayoko sa kanila..." sabi ko.
Ayoko talaga sa kanila. Magkamatayan na!
"Apan... Lam mo! Bakit ayaw mo sa kanila? Eh tropa ko rin naman iyon eh! Nag-iinarte ka na naman!" sabi niya.
"TROPA MO! Hindi akin. Tsaka- bakit? Ikaw ba ang gustong LIGAWAN??? Over my dead body!" umiiral na naman ang ugali ko.
"Eh kasi- di kayo TALO? Un ba? Apan naman! Bakit di mo subukang magpaligaw?" hinawakan niya ang gitara.
Yan na naman tayo! Pagpipilitan na namn niya na MAGPALIGAW AKO!
A-y-o-k-o! Eh sa ganito ako eh...
"Tumigil ka! Bakit ba pinapipilitan mo yan- ha? Ikaw Jake! Porket lalaki ka lang ah..." hinampas ko siya.
"Bakit? Babae ka naman eh! Anong masama dun? Tsaka ang BFF ko... MAGANDA!" inaasar na naman ako.
"Ano??!! Gusto mong masapak? Ha?! Babanatan kita diyan eh! POGI kamo!"
Yan lagi ang pinapipilitan ko sa kanya. Na POGI ako. Hehe. Bakit ba? May PROBLEMA?
"Sabi mo TOMBOY ka...??? Eh bakit ayaw mong magpagupit ng buhok? Ha?" tiningna niya ako.
"Mahal ko ang buhok ko! Tsaka ASSET din yan... Bakit ba? Di pa nga ako sigurado kung T-BOOM ako o hindi!!!" inilugay ko ang buhok ko.
"Eh ganun nga talaga! Kasi papagalitan ka ni tita! Haha! Kakalbuhin ka pa!"
Tumawa na naman siya ng pagkalakas- lakas!
"O? Anong nakakatawa doon? Eh kung isumbong kaya kita kay tita Leslie? Ha?! Na may nililigawan ka na?" binubunggo ko siya.
"APAN! Naman! Bakit?! Ikaw naman! Walang ganyanan! Sikreto nga lang yun eh! Magkalimutan na tayo pag ginawa mo yun!"
BINABASA MO ANG
Tomboyish Love
RomancePrologue: Akala mo hindi kayo pwede. You thought you want the same thing. Pero hindi pala. Nagkamali ka. "She is a LESBIAN." You thought. "I am a GUY." You said. Hindi kami pwede. The words just came out from your mouth. The only thing you cling to...