Chapter 17 *Star Gazing With You*

1.6K 36 13
                                    

Hi guys! Tagal ko pong ndi nakapag-update. :) Pero eto na po. Di ba? Galawang JAKE na? O! Eto na po! Enjoy po. :)

**************************************************************************************

Chapter 17

*Star Gazing With You*



Apan's POV

"Hoy Jake! Ikaw umayos ka ah! Naku.. Naku... Subukan mo lang may gawing masama sa akin- papatayin kita! Ihahagis kita papuntang Ilog Pasig!!!" banta ko sa kanya. 

"Ako dapat ang mag-ingat sa iyo. Baka halayin mo lang ako mamayang gabi! Haha." sagot niya.'

"Kapal ng mukha mo! Hindi pa ako baliw para gawin iyon noh. Tsaka duh... Para namang may abs at muscles ka!" hmpf.

"O siya! Ilapag mo muna ang bag mo dito. At ng matapos na ang pag-aayos natin dito sa tent. Bakit kasi ganito kalaki ang tent na pinadala ni mama? Tsk. Ang hirap tuloy ayusin... Inis!" sabi niya.

"Baka akala nila dito na tayo titira. Hala Jake! Di kaya pinapalayas na tayong dalawa!" pag-aalala ko.

"Ang lakas din ng sapak mo sa ulo noh? Sabihin mo lang kung nakahithit ka ng katol ah."

Ble! 

"Di ako tatabi sa iyo!" ako.

"Tabi tayo sabi!" sya.

"Ayoko!" ako.

"Ang kulit mo!" sya.

"Pake mo?!" ako.

"Ilang beses ka bang iniri ng nanay mo?!" sya.

"Aba! Malay ko! Eh di tanungin mo!" ako.

"Tabi tayo! Kahit anong mangyari!" Bakit ba ang kulit ng lahi ni Jake?

"Ampotek! Ang kulit mo!" ako.

"Ikaw kasi! Ang arte mo!" sya.

"Bahala ka sa buhay mo." ako.

Hmpf. Pakainin ko toh ng lumot eh.

"Di mo ba naaalala si Devon mo?" Out of the blue natanong ko.

"Huh?" sya.

"Sabi ko si Devon..."

"Ah! Yaan mo iyon... Pakialam ko doon... Eh arte nun." sya.

"Himala! Anyare. Inayawan mo yung malaki niyang *ehem* -toot toot- *ehem* iyong hinaharap niya." 

"Bakit makakain ko ba iyon?" Yuck! Kaderder siya.

"Eew! Isa kang pervert!"

"Ako pa ha! Ikaw ang nagsabi tungkol sa *ehem* niya!"

"Hmpf. Leshe."

"Oi! KAYONG DALAWA KUNG MAG-AAWAY KAYO- IPAGPATULOY NIYO NA YAN NEXT WEEK! TAE! PANIRA KAYO NG MOMENT DITO EH! SAPAKIN KO KAYO NG DIRETSO!" Oops! Ang ingay na ata namin. Nagalit na si Cho.

Tomboyish LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon