PROLOGUE ENTRY #2

142 13 1
                                    

Username: jannalistic

                                                                  THE MAGIC BOOK ( FANTASY )

  Year 1886 

          Merong kilalang isang sikat na writer sa isang bayan ng probinsya sa hindi alam na lugar, siya si Afanas ang dakilang manunulat....

  Ngunit ang hindi alam nang nakakarami ay may isang itim na mahika ang bumabalot sa kanyang sinusulat kung saan nagiging totoo ang lahat nang nakalagay duon... 

 Sa tingin niyo? Ano kayang klase ng Storya ang naisulat niya na talagang Pumatok at hindi namamalayan ng mga mamayanan na Nangyayari na ito sa totoong buhay!

  Ano nga ba ang naisulat ni Afanas? 

  ∞ ∞ ∞

  "Afanas! afanas!" tawag sakanya ng isang napakagandang dalaga, taglay nito ang kagandahang anyo na halos lahat ng kalalakihan na makakakita sakanya ay siguradong mabibighani nito— subalit sa lahat ng katangian niya ay meron siyang katago-tagong lihim na siya at si afanas lang ang nakaka-alam— siya ay nanggaling sa libro ni afanas na Ginawaran nang itim na mahika at lahat ng nakasaad dito ay magkakatotoo. 

 "Ano'ng kailangan mo iha?" Sagot ni afanas, si afanas ay isang matandang hukluban na tanging kaligayahan nalamang ay ang mag sulat sa libro, ngunit ang turing niya sa dalagang kausap niya ay isang anak, anak na hindi niya kayang mawalay pa...

  "Mayroon ho akong nakilala kaninang lalaki, napakakisig niya ho! nako bagay na bagay kami!!" 

 Nawala ang ngiti ng matanda sa sinabi ng dalaga, hindi p-pwede....

  Ang dalaga ay isang panaginip lang... Siya ay hindi talaga isang tao, kundi isang kuwento.. 

 Ginawa ni Afanas ang lahat para mawalay ang dalaga sa lalaking nakabihag ng kanyang puso ngunit...

  Dumating yung panahon na Nag-silabasan ang mga halimaw, kakaibang hayop at kung ano ano pang isinulat niya sa itim na libro, lumabas lahat ito sa hindi inaasahan, 

 'Paano nila ito Haharapin?'

  'Gayung Tuluyan nang nagmahal ang kaniyang anak-anakan..' 

 SUBAYBAYAN!

--

-Tag your friends to vote your entry

Jasmin Bieber's Book ClubWhere stories live. Discover now