PROLOGUE ENTRY #25

57 15 16
                                    

Username: nickstitashie

                                             DATING TAYO ( ROMANCE ) 

  Napakasakit. Ayoko na. Tama na. 

 Mga salitang umiikot sa aking sistema.

  Ilang buwan na ang dumaan ngunit sariwang-sariwa pa. 

  Yung sakit ng nakaraan,diba'y dapat ay pinapalipas na? 

  Ngunit hindi eh. Nagmahal ako ng dalawang taon. Dalawang taong sumaya,naging prinsesa at naramdaman ang pag-ibig na ilang taon 'ding nangulila. 

  Hanggang kailan ba ito tatagal? 

 Kailan ba ito lilipas?

  Kailan ba ito lilisan at hahayaang mabuhay ng katulad nang dati noong wala pa siya? 

  Kaya ko pa ba? Humihinga nga ngunit wasak ang puso. Gumigising nga ngunit laging buhat sa pag-iyak. Nabubuhay nga ngunit nawalan ng inspirasyon. Inspirasyong nagbigay sa akin ng mga bagay na mayroon ako ngayon. 

  Mahirap mabuhay lalo na kung wala ka nang masasandalan. 

  Nawala na ang mga magulang ko ngunit pati ba naman siya ay wala na din. 

  Wala na,wala na akong karapatang sumaya ngayong wala na ang mga taong nagpapasaya sa akin. 

  Hindi ko ba alam kung magiging masaya ako dahil masaya na ang mga mahal ko o kung magiging malungkot ako dahil hindi na ako ang dahilan ng kanilang pagsaya. 

Selfish kung tatawagin ngunit wala eh,mahal ko.   

  Diba'y napakasaya kapag nakikita mo'ng nakangiti siya sa iyong piling? Diba'y napakasaya na kung ikaw ang dahilan ng kanyang pagtawa. Diba'y napakasaya kapag ikaw yung inspirasyon niya? 

  Alam ko na dapat ko nang lisanin itong bangungot na patuloy na bumubulabog sa akin ngunit ni hindi ko kaya kung paano at saan ito sisimulan. 

 Napakahirap.

  Ako si Jeinne Margarette Sison,isang biktima,sawi, at nakararanas ng sakit na dala ng pag-ibig  

---

-Tag your friends to vote your entry

 


Jasmin Bieber's Book ClubWhere stories live. Discover now