PROLOGUE ENTRY #3

133 16 4
                                    

Username: elyybee

                         MY BOYFRIEND IS A WATTPAD AUTHOR ( TEEN FICTION ) 

  Siya si Dean Aemie Fuentes. Maganda, matangkad, at sexy.

Sa katunayan isa siyang artista, free lance model at brand ambassador.  

  Penshoppe, Bench, Bayo name it. Nasa billboard, magazines at tv commercials. Minsan pati sa radyo. 

 Pero may sikreto siya

  Isip bata, bugnutin, pintasera, snob. In short masama ang ugali. Pero love ko yun. Bestfriend e 

 Trent Marcos nga pala.

  Simple lang naman. Pogi at gwapo 

 May na kita akong website kung saan pwede mong ibuhos ang mga naiisip mo at gawan ng kwento. Yun ang tinatawag nilang WATTPAD. Nung una napa "tangina gayshit!" Ako.

  Pero nagsimula akong magsulat at... 

 BOOM! (Gulat ka?)

  Naging trending, succesful at kinuha pa ng isang sikat na publishing company. 

 Number 1 sa lahat ng book stores, naimbitahan ako sa maraming interviews at mall shows. Nagkaron pa ako ng mala dagat na fan base. Feeling ko tuloy nasa langit nako.

  Pero may sikreto din ako. 

 Naalala mo si Dean Aemie? Siya ang inspirasyon ko sa karakter dun sa librong nagpabago ng buhay ko.

  Ang secret ko? Matagal ko na siyang gusto. 

 Hindi naman sa mahirap kami, may kaya lang. Si Mom ay sekretarya ng mga magulang niya at si Dad ay kanang kamay ng dad niya. Kaya bata palang halos sa isang bubong na kami nakatira.So gets niyo na kung gaano ka-solid ang pinagsamahan namin?

  Pero dahil nga masama ang ugali ng bruhang yon ayaw niya sakin. Kaya okay na ako sa bestfriend lang. 

 Sabi ko naman, simple lang ako. Pogi pero torpe 


  Pero nak ng tinapa naman oh! Nang mapublish na ang librong sinulat ko biglang nag iba ang lahat.  

  Ang karakter ni Dean na counterpart ng totoo niyang ugali biglang naging totoo! 

 Mabait, magalang, may respeto, at higit sa lahat... MAHAL AKO! 

  Pano nangyari yun? 

 Balik tayo sa kwento ko.

  Ang nagpakilala sakin ng wattpad ay ang kaibigan kong si Shaun na nakilala ko lang sa online games. 

 Nung una akala ko bakla yun, pero hindi ako sigurado.. But turns out isa pala siyang fairy! (Oh diba confirmed bakla nga)

  Huli na ng malaman kong isa siyang fairy at siya pala ang may ari ng publishing company na yun. (Yaman din ng gago e) 

 Ang sabi niya, lahat ng sinulat ko sa libro magiging totoo. Tulad ng karakter ni Dean dun.

  But of course may catch! 

  May oras o araw lang na magbabago si Dean. At kapag mag babago siya hindi niya kontrolado ang gagawin niya.

  Chapter 17- The kiss 

  Pano ba to? Pati ba yun mangyayari sa totoong buhay?!

---

-Tag your friends to vote your entry



Jasmin Bieber's Book ClubWhere stories live. Discover now