Game #4

36 9 33
                                    

Naisipan ko lang magpa-game sakto kase katatapos ko lang gawin lahat ng assignments. Haha! 

So ang game natin ay katulad lang din ng mga naunang game, huhulaan niyo lang kong anong movie ito.

At ang limang unang makakahula ay makakatanggap ng 10votes galing sa akin. 

Paalala Unang limang makakauna lamang kaya kong nahulaan mo na kaagad yung mababasa mo dito mag comment kana kaagad. 

Madali lang naman ito HAHAHAHA 

Clue: Horror 

Ang alam ko horror yun eh Hahahahaha! Talasan niyo pag iisip niyo hahaha 10votes din yan sayang.

Btw, namiss ko mag update dito sa book club sana may karamay pako.

---

"Kamusta kana? Alam mo, nahihirapan yung mga nurse dito kase hindi nila alam kong anong itatawag nila sayo. Pwede ko bang malaman kong anong pangalan mo?"

"Hindi niyo na kailangan malaman."

"Amm..Baka magtatagal kapa dito ah, kase kailangan ka naming obserbahan."

"Alisin mo nga yang takip sa bibig mo, hindi kita maintindihan."

"Hindi ko pwedeng alisin to, kailangan ko to para proteksiyon ko."

"Proteksiyon? saan?"

"Proteksiyon sa virus proteksiyon sa mikrobyo."

"Wala akong sakit at hindi mikrobyo ang nasa loob ng katawan ko."

"Kong ayaw mong magpa-check up ngayon sige, babalikan nalang kita magpahinga ka nalang muna." 

"Hindi doctor ang kailangan ko, pari may ibang taong nasa loob ng katawan ko may pinapagawa siya sa akin na hindi ko gusto. Sa simbahan dapat nila ako dinala hindi sa hospital."

"Amm.. Kaya ka dinala dito dahil may sakit ka at nakita namin na posibleng ah-"

"SINABI NG HINDI DOCTOR ANG KAILANGAN KO, HINDI MIKROBYO ANG NASA LOOB NG KATAWAN KO....DEMONYO. Kanino ka naniniwala Klare sa mikrobyo sa diyos o sakin? Pareho lang tayong may sakit Klare pareho lang tayong walang pananampalataya itinakwil ang diyos. Walang pinaniniwalaan, bakit hindi ka makapagsalita? Dahil totoo bang ang sinasabi ko Klare?"

"Sino ka?"

"Matagal ng sinusubaybayan Klare at ngayon sa wakas mapapasakin kana din."

---

Bongga ng mga lines noh! Kabog hahahaha, so ayan yun aydunoo kung alam niyo payang palabas nayan pero sana alam niyo pa. 

Madali lang naman yan hahaha, sayang 10votes 

LABAS MEMBERS HAHAHAHA

-Don't forget to vote this part



Jasmin Bieber's Book ClubWhere stories live. Discover now