PROLOGUE ENTRY #6

148 46 57
                                    

Username: Mikaycerts

                             "SA PAGTANGIS NG MGA INOSENTE" ( NON-FICTION)

  Umuulan, tinatakpan nito ang mga patak ng luha ko. Kumukulog, tila pinapatulog nito ang puso kong sugatan at ang utak kong kailangan nang magpahinga. May rumaragasang tubig na hanggang sa may bukong-bukong ng paa ko ang taas, na pilit gustong agusin ang kalungkutang nararamdaman ko ngayon. Kumukulog at malamig ang bawat hampas ng hangin sa aking balat. 

  Sa ganitong kalagayan na nababalutan ng kadiliman ang kalangitan ay may mga matitinis at masasayang tinig akong naririnig. Tinig ng mga batang masayang naglalaro, naghahabulan, nagtataguan at nagbabasaan sa kalsada. Kita mo sa kanilang mga mata ang ningning na tila ipinagdamot ng kalangitan ngayon. Malalasap mo ang tamis sa kanilang mga nakangiting labi sa kabila ng maalat na lasa na dulot ng bawat patak ng ulan. 

 Pero bakit bigla silang lumungkot? Kasabay nito ang mas pagdami at paglaki ng mga patak ng ulan. Umiiyak sila na sumasabay sa malalakas na dagundong ng kulog. Unti-unti na rin silang naglalaho, tangay-tangay nang rumaragasang agos ng tubig-ulan. Teka. Bakit kayo nagkakaganyan? Bakit niyo nililisan ang mundong kung ituring niyo ay paraiso?

  Kumidlat, kasabay nito ang pagbasag ng aking puso dahil sa nakita kong kalagayan ng mga batang ito. Kahabag-habag. Bakit nagiging ganito ang mga bata ngayon? Bakit napakaaga naman ata nilang matikman ang pait ng buhay? Nararanasan agad nila ang hirap ng buhay. 

  Ang hirap na kailangang pagdaanan bago makabili ng pagkain nila sa araw na iyon.

  Hanggang kailan tatagal ang ulan na 'to? Hahayaan mo na lang ba na tuluyan silang agusin ng mga naipong tubig-ulan? Kailan? Kailan titila ang mga patak ng luha ng mga inosenteng naghihirap? 

---

-Tag your friends to vote your entry 

Jasmin Bieber's Book ClubWhere stories live. Discover now