8: What is love?

596 18 3
                                    

Dahil sa naging pag uusap namin ni Lucy ay nakapag isip isip ako kung tama nga ba ang mga sinabi nya isa din syang ina kaya alam kong nahihirapan din sya sa sitwasyon dahil pati ang anak nya ang nadadamay nakalipas na ang isang buwan sa paghahanap namin sa anak namin pero hanggang ngayon ay hindi parin namin sya mahanap at hanggang ngayon din ay hindi parin kami maayos ni Anton dahil hanggang ngayon ay may tampo parin sya sa akin. Pupunta ngayon sa bahay si Richard dahil may pag uusapan kami at sasabihin ko narin sa kanya ang pasya ko tungkol sa sinabi ni Lucy.

"Sinong inaantay mo dyan sa pinto?"

"Hon nandyan ka pala, umm ano pupunta kasi si Richard diba sinabi ko na sayo kahapon na may pag uusapan kami"

"At kailangan mo pa syang antayin dyan? Ano sya asawa mo?"

"Anton hindi sa ganon"

"Ah alam ko na baka naman excited ka ng makita sya kaya nandyan ka"

"Ano bang pinag sasabi mo Anton? Ikaw ang asawa ko kaya wala kang dapat ipag alala"

"Oo ako ang asawa mo pero mahal mo sya huwag mong ipagkaila sakin Dawn na mahal mo sya alam ko naman eh"

"Anton naman"

"Aalis muna kami ng mga bata para makapag usap kayo ng maayos ni Richard"

Ito na ba ang sinasabi ni Lucy na makakasira nga ito ng pamilya? Na ang ginagawa naming paghahanap sa anak namin ay syang makakasira naman sa bawat pamilyang binuo namin kung ganoon ang mangyayari ay mas pipiliin ko nalang na iwanang muli ang anak namin ni Richard tutal nagawa naman namin noon kaya magagawa namin ulit ngayon.

"Dawn kanina ka pa ba dyan?"

"H-hindi naman tara doon nalang tayo sa patio mag usap Richard."

Paano ko ba sasabihin kay Richard na itigil nalang namin ang pag hahanap kung ganito sya ka sigla mukhang positibo parin sya.

"Dawn may nangyari ba?"

"H-hu?"

"Kilala kita Dawn at nakikita ko sayo ngayon na malungkot ka. May problema ba?"

"Richard tama na"

"Anong tama na?"

"Itigil mo na ang pag hahanap sa anak natin"

"Ano nanaman ba to Dawn? Diba napag usapan na natin na hindi natin ititigil ang paghahanap sa kanya hanggang hindi natin sya nakikita?"

"Hindi mo kasi naiintindihan Richard"

"Ano bang hindi ko naiintindihan?"

"Everything's falling apart"

"What do you mean?"

"Hindi mo ba nakikita ang consequences ng ginagawa natin? Napapalayo na sayo si Julianna at nawawalan ka na ng oras para sa campaign mo tapos kami ni Anton hindi parin kami nag kaka ayos ayoko namang pati sina Jacobo at Ayisha ay madamay."

"So kung pipili ka ang isasakripisyo mo palang bitawan ay ang anak natin? Ganun ba yun Dawn?"

"Richard hinanap naman natin sya kaya lang hindi talaga natin sya mahanap baka ang ibig sabihin nun ay itigil na natin ang paghahanap sa kanya at ibaon nalang sa limot ang lahat para sa ikabubuti ng lahat."

"Para sa ikabubuti ng lahat o para sa ikabubuti mo?"

"So pinapalabas mong selfish ako? Hindi lang ang sarili ko ang iniisip ko dito Richard"

"Pero base sa sinasabi mo ay natatakot ka lang so paninindigan mo nalang na isa kang pabayang ina?"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasampal ko si Richard.

"Ahh alam ko na kaya mo pala hinahanap ang anak natin ay hindi dahil mahal mo sya kaya mo lang sya hinahanap para luminis ang kunsensya mo ganon pa Richard! Ngayon porket ayaw ko ng hanapin ang anak natin ako na ang pabayang ina? Simula't sapol Richard hindi lang ako ang pabaya kung sana hindi ka nagloko kung sana kami ang pinili mo noon kaysa sa punyetang career na yan!"

"Bakit ako lang ba ang nagdesisyon noong ibigay sya sa iba? Ako lang ba ang concern sa career noon? Oo inaamin ko na nagloko ako noon pero hindi mo ba ako mahal noon at hindi mo ako napatawad?"

"Mahal? Anong alam mo sa pagmamahal Richard? Wala kang alam! Hindi mo alam kung gaano kita kamahal na ang sakit sakit na kasi ginagawa mo akong tanga paulit ulit kitang pinatawad paulit ulit kitang tinanggap paulit ulit akong naging bulag dahil sa punyetang pagmamahal na yan!"

"Kung pinatawad mo ako sa huling ginawa ko edi sana masaya tayo ngayon edi sana hindi nawala satin ang anak natin!"

"Hanggang kelan ba ako magpapakatanga sayo Richard? Kung pinatawad kita noon baka hindi parin tayo ang nagkatuluyan alam mo kung bakit kasi hindi mo alam kung ano ang pagmamahal!"

"Bakit ano ba ang pagmamahal Dawn? Iyon ba ang palagi kayong masaya? Yun ba yung hindi ka umiiyak at nasasaktan? O di kaya ay yung tipong hindi ka sumusugal? Hindi kasi ganyan ang alam kong pagmamahal kasi kapag nagmahal ka masasaktan at masasaktan ka"

"Pero Richard kahit na sabihin mong masasaktan at masasaktan ka sa pagmamahal dadating sa puntong sa sobrang sakit bibitaw ka na, iyan ang hindi mo alam Richard hindi ka marunong bumitaw"

"Kasalanan ko bang nahihirapan akong bumitaw kasi naghahangad akong may pag asa pa? Kasalanan ko bang hindi mo ako katulad na kapag ayaw na ayaw na talaga? Ako kasi Dawn kapag nag mahal ako kahit pa sumusuko ka na lalaban at lalaban parin ako kahit sa ating dalawa ay ako nalang ang lumalaban at iniwan mo na akong lumabang mag isa."



~Unedited~


Broken Home *COMPLETED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon