Isang taon na ang lumipas isang taon na akong nakakulong sa buhay na ito pero para sa mga mahal ko sa buhay ay gagawin ko ang lahat kahit pa kapalit nito ay ang kaligayahan ko. Sa wakas nakatapos na si Avery dahil talagang nagsumikap sya wala syang sinayang na oras para makamit ang pinapangarap nya.
"Mommy hindi po ba natin pupuntahan si ate sa airport?"
Kung may tama man akong ginawa sa buhay kong ito iyon ay ang unahin ang mga anak ko kaysa sa sarili ko, matapos ang ilang buwan ko noong pagkakakulong sa bahay na ito ay pinagbigyan na muli ako ni Anton na makapiling ang mga anak ko.
"Ayisha, hindi natin masusundo si ate" gustuhin ko man pero pinagbawalan ako ni Anton hindi ko daw pwedeng puntahan si Avery maliban nalang kung siya ang pupunta dito sa bahay. Dahil sa pagiging mailap ko sa kanila ni Richard ay muling nalayo ang loob niya sa akin mukhang pati si Richard ay kinamumuhian na ako.
"Eh sino po ang susundo kay ate, mommy?"
"Nandun ang tito Richard mo tsaka si Tita lucy sila muna ang bahala sa ate mo."
"Miss ko na po si ate akala ko po makakapag play na kami uli"
"Huwag kang mag alala baby kakausapin ko ang ate mo at sasabihin kong pumunta sya rito pero habang wala pa sya makipag play ka muna sa kuya mo."
"Eh puro pang boy naman po ang laro ni kuya eh"
"Eh diba gusto mo naman mag laro ng ganun dati"
"Dati po yun mommy"
"Oh sige sige tayo nalang ang mag play"
"Mommy bakit puro ikaw nalang po ang nakikipag play sakin tapos si daddy ang busy na po nya"
"Marami lang ginagawa ang daddy mo anak"
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Chaine!"
"Mom!"
"I miss you chaine"
"Me too, mom"
"Oh my gosh ate, you look lovely"
"Julianna, you are still stunning"
"Nako tama na yang bolahan nyo mamaya nyo na yan ipagpatuloy kumain muna tayo"
"Pa, si Mama po?"
"Hindi daw sya makakasama may importante daw na gagawin eh"
"Oh, okay"
-------------------------------------------------------------------------------------------------
"Anong plano mo anak?"
"Bukas na bukas po kukunin ko na ang mga anak ko"
"Paano mo iyon gagawin?"
"May mga nakalap na po akong evidences Pa siguro naman po sapat na yun para makuha ko sila"
"Sigurado ka bang kaya mong mag isa? Pwede ka naman naming samahan ng mommy mo"
"Oo nga, Chaine pwede muna kaming mag leave sa kapitolyo at samahan ka"
"Mom kaya ko na po isa pa wala pong kasama dito si Julianna kung sasama kayo"
"Pwede din naman syang sumama satin, anak"
"Pa may pasok si Julianna hindi naman pwedeng dahil lang sakin eh um absent sya. Malaki na ko Pa kayang kaya ko na to"
"Oh sige basta ba tumawag ka samin agad agad kapag may problema"
"Yes po"
" By the way na receive mo ba ang text ng mama mo? Hindi ka daw kasi nag re respond"
"Opo, nabasa ko po siguro po bukas dadaan po ako sa kanila."
"Hon, mauna na akong umakyat inaantok na ako kayo din umakyat na kayo ah"
"Goodnight mom"
"Goodnight Chaine"
Pagka akyat ni Lucy ay sinimulan ko ng kausapin si Avery ng masinsinan.
"Anak, you deserve to know the truth."
"Po?"
"Kailangan mong malaman ang nangyayari sa Mama mo"
"What do you mean Pa?"
"Sinasaktan ng Tito Anton mo ang Mama mo"
"Paano nyo naman po nasabing sinasaktan ni Tito si Mama"
"Noong nakaraang taon hindi pa pinuntahan ko sya nakita kong may pasa sya at takot na takot sya sa Tito mo takot na takot sya na madatnan ako doon ni Anton kahit hindi sabihin ng mama mo alam ko kung may tinatago sya"
"Bakit ngayon nyo lang po sinabi sakin?"
"Dahil kailangan po pang humanap ng ebidensya at kailan lang may nakausap akong dating kasambahay sa bahay ng mama mo at sinabi nya sakin na sinasaktan daw ni Anton ang Mama mo kaya daw sya nag resign dahil hindi daw nya kayang makita ang mama mo na sinasaktan wala naman daw silang magawa dahil kapag nakialam sila ay sila naman ang pagbubuntunan ni Anton ng galit."
"Kukunin ko si Mama bukas kay Tito Anton"
"Sinubukan ko na iyon anak pinilit ko ang Mama mo na iwan na si Anton at lumayo sya tutulungan ko sya pero ayaw nya siguro mahal nya ang tito mo kaya hindi nya maiwan."
"Pa, baka kung ano ang mangyari doon kay Mama tsaka sila ayisha at jacobo paano kung saktan din nya"
"Hindi nya yun gagawin sa anak nya may nabalitaan ako noon na inilayo ng tito mo ang mga bata at ngayon ay kasa kasama na ulit ito ng mama mo pero walang alam ang mga bata sa nangyayari sa magulang nila."
"Anong gagawin natin Pa?"
"Kumbinsihin mo ang mama mo na lumayo na dapat siya ang mag kusa na iwan ang tito mo"
"At kapag iniwan na nya ay kailangang mag file si mama ng annulment"
"Anak, hindi na kailangan pa"
"Pero Pa hanggat kasal sila ay may habol si Tito kay Mama"
"No, dahil hanggang ngayon ay walang habol ang tito mo sa mama mo"
"Pero Pa nakasaad yun sa batas"
"Hindi pag aari ng tito mo ang mama mo dahil simula sa umpisa ay hindi sila nakatali sa isat isa"
"Anong ibig mong sabihin Pa?"
"Hindi sila kasal"
"Pa, kasal sila"
"Siguro nga ikinasal sila pero walang bisa iyon"
"Paanong nangyari na walang bisa iyon?"
"Dahil kasal kami ng Mama mo"
Matapos kong sabihin kay Avery ang totoo ay nakarinig kami ng pagkabasag mula sa itaas, dali dali kaming umakyat at doon nakita namin si Lucy nakaupo sa lapag, umiiyak at may dugo sa paa.