"Anton saan ba tayo pupunta?"
"Manahimik ka dyan!"
"Paano ang mga bata? Sina Jacobo at Ayisha, kailangan nila ako"
"Pinasundo ko na muna sila, kaya may magbabantay sa kanila"
"Anton maawa ka"
"Bakit naawa ka ba nung pinagmukha mo akong tanga? Naawa ka ba nung binigyan mo ako ng kakarampot na pagmamahal?"
"I'm so sorry Anton"
"Hindi mababalik ng sorry mo ang lahat ng sakit na nadama ko"
Hinila na ako ni Anton papasok sa helicopter wala akong nagawa dahil may mga bodyguard syang tumulong para hindi ako makatakas ang tanging nagagawa ko lang ay ang lumuha, hindi ko inakala na mararanasan ko ang bagay na ito. Bakit ba puro nalang ganito ang gusto ko lang naman ay sumaya pero kabaliktaran ang nangyayari. Nawala ako sa pag iisip ng biglang tumagilid ang sinasakyan namin, doon na ako nilukuban ng takot.
"Sir nag aapoy po ang main rotor blade kailangan na po nating magsuot ng life vest dahil any minute ay sasabog po ang helicopter"
Hindi ma proseso ng utak ko ang sinabi ng piloto, ito na ba ang katapusan ko? Paano sina Jacobo at Ayisha pati si Chaine at ang mga apo ko, hindi ko sila pwedeng iwan.
Dali dali akong pinagsuot ng life vest ni Anton at hinawakan nya ang kamay.
"Tatalon tayo"
"P-pero baka mapahamak tayo"
"Mas mapapahamak tayo kung magtatagal tayo dito baka sumabog na ito, tsaka dagat ang babagsakan natin"
"Sir kailangan na po natin tumalon"
Nagsitalunan na ang mga bodyguard ni Anton pagkatapos ay sumunod kaming tumalon pati narin ang piloto kasabay niyon ay ang pagsabog ng helicopter dahil doon ay nawala sa pagkakahawak ang mga kamay namin ni Anton hanggang sa bumagsak ako sa tubig at nakita ko syan kasabay ng paghampas ng isang parte ng helicopter sa ulo nya.
"Anton!!!" hanggang sa mawala sya sa paningin ko dahil tinangay na sya ng alon, madilim pa sa paligid kaya lalo akong binabalot ng takot. Tanging ako nalang ang mag isa sa paligid hindi ko rin mahanap ang mga bodyguard o maski ang piloto kumuha lang ako ng piraso ng bagay na maaari kong mahawakan para lumutang ako.
-------------------------------------------------------------------------------------------------
"Pa, may balita na ba kay mama?" Saktong pagsakay ko sa eroplano papuntang London ay tumawag si Papa at sinasabing may nangyaring masama kay Mama, sumabog pala ang sinasakyan nitong helicopter at kasama nya rito si tito Anton.
"Wala paring balita anak, pero nakita na ang piloto ng helicopter na sinasakyan nila pero sa kasamaang palad ay patay na ito tinamaan ng blade sa ulo."
"Pa, paano si mama"
"Nagpatulong na ako sa mga kakilala namin para mas mapabilis ang paghahanap sa mama mo"
"Pagkakuha ko sa mga bata ay babalik kami agad dyan Pa"
"Sige, mag iingat ka anak"
"Mag iingat din kayo Pa, balitaan nyo po ako kapag may bago ng update tungkol kay Mama"
Palabas na ako ng hotel na tinutuluyan ko ng may mabunggo akong lalaki naka cap sya at naka shades.
"I'm sorry"
Agad agad din naman iyong umalis na para bang may pinagtataguan sya. Sumakay agad ako ng cab upang magpahatid sa bahay nila Greyson sinisiguro ko na makukuha ko na ngayon ang mga anak ko.
Paglabas ko ng cab ay saktong kakababa lang din ng mga bata sa kotseng sinasakyan nila kahit hinarang pa ako ng mga guards ay nagpumilit akong pumasok sa bakuran nila.
"Rachel! Frank!"
"Mommy!!" Agad tumakbo ang dalawa sa akin ng niyakap ko sila ng mahigpit. Pero hinila naman ako ng mga guard palayo sa kanila.
"Don't touch her" Binitiwan naman ako ng mga guards na humawak sa akin at sinenyasan sila ni Greyson na umalis na, sa wakas nakita ko ng muli ang mukha ng walanghiya kong asawa, or should I say ex-husband.
"Mommy we miss you" Umiiyak na pahayag ni Rachel sa akin. Ang tagal tagal ko silang hindi nakita at hindi na ako papayag na malayo pa sila sakin.
"Avery-" Hindi ko na pinatapos pa si Greyson sa pagsasalita at binigyan ko sya agad ng mag asawang sampal.
"Ganti ko yan sa pagkuha sa mga anak ko at paggamit sa akin para lang hindi ka madiktahan ng magulang mo"
"Avery listen to me"
"Hinding hindi na ako makikinig sayo, hindi na ako ang AVery na nakilala mo noon, hindi na ako tanga na magpapauto sayo."
"Mommy wag na po kayo mag fight ni daddy" umiiyak na sambit ni Rachel
"Kukunin ko na sila sayo"
"No, hindi mo pwedeng gawin yan anak ko rin sila"
"Bakit kinuha mo rin naman sila sa akin noon, ina nila ako pero inilayo mo sila sa akin."
"Hindi ko ginusto yun"
"Hindi mo ginusto? Ano nagtatago ka lang sa saya ng tatay at nanay mo at hindi mo kayang ikaw ang gumawa ng desisyon mo."
"Anong nangyayari dito?"
"Ma, please go inside"
"Greyson, ano bang gulo ito? Avery, hija nandito ka pala"
"Kukunin ko na po ang mga anak ko"
"Avery baka pwede naman nating pag usapan ang tungkol sa custody ng mga apo ko"
"Wendy, you don't need to beg"
"Peter! We've hurt her and now she just wants to claim her children, as a mother Avery has all the rights to have the twins."
"No! My grandchildren will stay in this house and besides the court granted their custody on us, so she has no rights"
"Peter we both know that you just paid the court to grant us their custody."
"Could you please shut up Wendy! I'am the father in this house so you should obey me."
"You're impossible!"
"Guards get her out of here"
"Dad, no!"
"Greyson are you disobeying me?"
"Yes, dad"
"You know the consequences"
"I don't care because right now, all I care is the safety of my family"
"Are you sure, son?"
"Yes, dad"
"Very well, then you may leave this house and you are not my son anymore"
Hinila ako ni Greyson palabas ng bahay nila hawak hawak ko sa kamay si Frank at karga naman nya si Rachel, pumara sya ng cab at tinanong kung saan ako tumutuloy. Pagdating sa hotel ay sumama sya hanggang sa kwarto ko.
"Babalik tayo ng Pilipinas"
"Anong 'tayo?' kami lang nga mga bata ang babalik at ikaw bahala ka na sa buhay mo"
"Mag asawa tayo kaya hindi ko kayo iiwan"
"Nagawa mo na nga noon hindi ba? Iniwan mo na ang pamilyang binuo natin, sinira mo pa nga eh so ano pang bago kung uulitin mo?"
"Avery kayo ang pinili ko, hindi pa ba sapat yun?"
"Hindi na tayo mag asawa kaya wala ka ng obligasyon" Ibinigay ko sa kanya ang papel na nagpapatunay na hiwalay na kami. Habang tinitignan nya iyon ay bigla namang tumunog ang cellphone ko.
"Avery, we found your mom" Labas ang tuwa ko ng marinig ko ang sinabi ni Papa, ngayon din ay uuwi kami para makita ang kalagayan niya.