"Dad, we need to find mom" kanina pa iyak ng iyak si Julianna simula ng malaman nyang nawawala ang mommy nya. Nang dumating ang ilang bodyguard ni Papa na maghahatid sana kila Ayisha at Jacobo sa bahay nito ay bumungad sa kanila ang magulong bahay at may dugong nagkalat sa sahig, wala narin si Mama Lucy sa loob ng bahay. Sa ngayon ay maraming pulisya ang nasa bahay nila pati ang hospital room ni Mama ay pinabantayan narin ni Papa samantalang sina Ayisha at Jacobo ay pinag stay muna namin sa kamag anak nila sa side ni Papa Anton. Marami ang reporter na nais kumuha ng interview sa pamilya namin hanggang sa dumating na ang Lola ni Julianna kasama ang lolo nya.
"Julianna hahanapin natin ang mommy mo. Gagawin namin ng lolo mo ang lahat apo"
"Mukhang mahihirapan tayong hanapin ang mommy mo Julianna walang footage ng pagkuha sa kanya ang tanging paraan nalang ay kung tatawag sila satin."
"Dad do everything to find my mom."
"I will darling, I will"
"Julianna you should take a rest"
"It was all your fault!"
"Julianna don't blame your sister"
"No dad! She's at fault for all of this, same with her mom! All of this started when we became close to her and to tita Dawn."
"Julianna we don't want any of this to happen and please don't blame my mom because she's also a victim."
"I don't want to see your face anymore. I hate you! I hate it that you are my step sister, I hate it that we are blood related. You should've been dead!"
Nagulat kami sa sunod na ginawa ni Papa dahil hinawakan nya sa braso si Julianna ng napakahigpit.
"Don't you dare tell that to your sister! We did not raise you to be a brat Julianna! We don't need to accuse them because they are not at fault."
"Pa, bitawan mo si Julianna nasasaktan sya."
Pagkabitaw ni Papa sa braso ni Julianna ay tumakbo ito paakyat sa kwarto nito sinundan naman sya ng lolo nya.
"Richard huwag mong pagbuhatan ng kamay ang apo namin alam mo namang kahit kailan hindi yan pinalo o sinaktan ni Lucy at isa pa intindihin mo sya dahil mommy nya ang nawawala natural lang na umakto syang ganoon."
Matapos kausapin ng Lola ni Julianna si Papa ay sumunod ito sa kwarto ni Julianna.
"Pa intindihin nalang natin si Julianna."
"Hindi ko alam kung saan ako nagkamali. Mahal ko sya, mahal ko kayong pareho dahil mga anak ko kayo kaya hindi ko alam kung saan nanggagaling ang pinanghuhugutan nya na galit. Ginagawa ko naman lahat para maging ligtas kayo pero bakit ganoon parang mali pa ako."
"Pa, natatakot lang si Julianna para kay Mama Lucy kaya ganoon ang naging reaksiyon nya pero kapag nahimasmasan na sya tiyak na mag so sorry sya sayo at maiintindihan ka nya."
"Nasaan nga pala ang mga apo ko?"
"Kanina dinaanan ni Noah pupunta lang daw sila sa mall pabalik narin siguro yun."
"Akala ko ba ilalayo mo na ang mga bata sa kanya at sa pamilya nya?"
"Pinag iisipan ko pa po ng maigi at isa pa lulutasin po muna natin ang gulong ito bago yung gulo ko."
"Mommy!!!!" Ang matinis na boses ni Rachel ang kumuha sa atensiyon namin ni Papa may dala dala itong ice cream habang ang kapatid naman nito ay naglalakad at may hawak na libro habang tumatagal ay nagiging katulad ito ng ama nya sa pagkilos, pananalita, pananamit at pagsasalita.
"Mommy babalik na po ba tayo sa condo natin dati?"
"Umm Rachel anak may bagong condo si mommy at doon na tayo titira."
"Eh pano po si daddy?"
"S-siguro dun sya sa dati nyang condo."
"But mom I didn't mean to eavesdrop but I heard dad talking to someone I think its a personnel on a bank and said that all dads card, condo and bank accounts where taken by his dad so that means he doesn't have a home nor money and tomorrow his car will also be taken by the bank." Mahabang pahayag ng aking anak na lalaki. Dahil sa narinig ay biglang lumungkot si Rachel at yumakap sa aking bewang.
"Mommy, dad has no home where will he sleep?"
"Rachel I need to talk to your father first okay? But where is he?"
"He is outside talking to someone mom."
Iniwan ko muna ang dalawa sa loob at mukhang pinapasaya naman nila si Papa sa presensya nila. Paglabas ay nakita ko naman agad si Noah at may kausap nga ito habang papalapit ay naririnig ko ang sinasabi nya at mukhang ang ninong nya ang kausap nya.
"Ninong I really need your help baka pwedeng umutang muna ako sa inyo babayarin ko rin naman agad.
....... Okay thanks, pupunta po ako dyan maya maya kakausapin ko lang si Avery."
Pagkaharap nya ay nagulat pa sya dahil hindi nya naman ine expect na nasa likod nya pala ako.
"A-avery"
"I'm sorry pero narinig ko ang pinagusapan nyo and your son told me about your situation."
"Huwag mo na iyong isipin gagawa nalang ako ng paraan."
"Pero saan ka matutulog sa ngayon?"
"Kapag nakuha ko na ang utang ko kay ninong ay mag chi check in nalang ako sa motel para makamura."
"Oh, okay pero bakit hindi ka nalang bumalik sa parents mo?"
"Avery hindi ko na uulitin pa ang pagkakamali ko noon. I will stay by yourside."
"Pero naghihirap ka na at alam kong hindi mo kakayanin yun isa pa wala ka rin namang mapapala sa stay sa tabi ko."
"Wala akong pakialam kahit maghirap pa ako ang importante kasama ko kayo at buo ang pamilya natin."
"Baka nakakalimutan mo Noah matagal ng sira ang pamilya natin at kagagawan mo bakit nasira yun kaya huwag ka ng umasa kasi ngayon palang sinasabi ko na sayo na ilalayo ko na ang mga anak ko kapag natapos na ang problema sa pamilya ko ay sisimulan ko na mag file ng case laban sayo. Wala ka ng babalikan dahil nakita ko na kung sino ka talaga ang alam mo lang naman ay magpaka sasa sa buhay dahil lahat ng bagay ay nakukuha mo kahit hindi mo pinaghihirapan at kinakahiya ko kung bakit kita pinakasalan noon dahil mahina ka at wala kang kwentang asawa at ama sa mga anak ko."
AN: back to school na ulit kaya di ko nanaman alam kelan ako makakapag UD. Pasensya sa typos cellphone lang kasi gamit ko.
Happy New Year everyone!!!