30: Wrath

420 15 2
                                    

"You lied to me!"

"Lucy let me explain"

Matapos kong buhatin si Lucy papunta sa kwarto namin ay ginamot ko ang sugat nito, hindi sya nagsasalita kaya ako na ang bumasag sa katahimikan, alam ko namang narinig nya lahat kaya wala ng dapat pang itago.

"Kaya pala ang lakas ng loob mong pakasalan ako dahil wala naman palang bisa iyon"

"HIndi totoo yan, pinakasalan kita kasi mahal kita"

"Mahal? Pagmamahal ba ang tawag doon? Niloko mo ako! Niloko mo kami ng anak mo!"

"Hindi ko ginusto ang lokohin kayo, hindi ko ginusto na masaktan ka"

"Napaka walang hiya mo! Binigay ko sayo lahat tinanggap kita at pinaglaban kahit ayaw ng mga magulang ko tinanggap ko si Chaine na parang anak ko tapos ito ang igaganti mo sakin? Sino ba naman ako sa buhay mo? Eh ako lang naman ang babaeng ginamit mo para pagtakpan ang sarili mo dahil iniwan ka ni Dawn"

"Maniwala ka minahal kita at ginusto kong bumuo ng pamilya kasama ka-"

"pero hindi parin ako sapat! dahil hindi ako sya!"

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin, siguro nga tama sya, siguro nga akala ko mapapalitan niya si Dawn pero mali palang hanapin sa ibang tao ang bagay na sa iba mo lang makikita.

"Ano hindi ka makasagot Richard! Kasi tama ako, all this time pinipilit kong maging katulad nya pinipilit kong baguhin ang sarili ko para lang huwag mo na syang hanapin pa akala ko magiging sapat na ako, akala ko magiging sapat na, na binago ko ang kung ano ako, hindi parin pala sapat, hindi parin pala"

"Hindi mo kailangang baguhin ang sarili mo Lucy"

"Kung hindi ko kailangang baguhin ang sarili ko sana naging sapat ako sayo noon pa sana hindi mo na kailangan pang magsinungaling kasi ang sakit sakit Richard. Ang sakit ng ginawa mo"

Kahit nahihirapan ay naglakad parin si lucy palabas ng kwarto namin at pagbukas ng pinto ay nakatayo doon si Julianna na umiiyak. Tinitigan lang sya ni lucy at nagdire diretso sa paglabas

"I hate you dad, and I also hate tita Dawn because you made my mom cry"

"Julianna, listen to me"

"No dad I will never listen to you"

Ito ba ang kapalit ng lahat ng ginawa ko? Kung ito ang karma ko tatanggapin ko ng buong buo.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Anton bakit lasing na lasing ka?"

*Pak* Isang malakas na sampal ang ginawad sa akin ni Anton, wala namang bago dahil kapag naiinis sya ay minsan sa akin nya binubunton lahat.

"Ano nanaman bang nagawa ko?"

"Malandi ka talaga!"

"Wala akong ginagawa hindi ba't kinukulong mo ako dito sa bahay na to"

"Akala mo ba hindi ko malalaman? Mabuti at nagkita kami ni Lucy kung hindi ay di ko malalaman ni ginagago mo ako"

"Ano bang sinasabi mo? Tsaka bakit nasama si Lucy sa usapan"

"Akala mo ba makakatakas ka sakin? Akala mo ba magkakasama na kayo? Nagkakamali ka!"

"Ano bang problema mo Anton?"

"Ikaw! Ikaw ang problema ko! Kayo ng kabit mo!"

"Anong kabit ang sinasabi mo?"

"Huwag ka ng mag maang maangan pa alam ko na, alam ko na lahat. Kasal kayo ni Richard dati pa at hanggang ngayon ay kasal parin kayo!"

"Ano ba nasasaktan ako!" Hawak hawak nya ang buhok ko na tila ba matatanggal na sa anit nito.

"Talagang may lakas ka ng loob na magkaroon ng kabit ano!"

"Hindi ko sya kabit!"

"Talagang pinagtatanggol mo pa"

"Sinabing hindi ko sya kabit! Kung meron mang kabit sa inyo dalawa, ikaw yun!"

"Talagang sumasagot ka pa!"

Isang sampal nanaman ang ginawad nya sa akin, hindi na ako umiiyak sa mga ganoong bagay dahil sanay na sanay na ako.

"Wala kang karapatang saktan ako dahil, hindi mo ako pag aari!"

"Bakit sino ba ang nag mamay ari sayo huh? Si Richard ba?"

"Oo! Sya lang ang nagmamay ari sa akin! Sya lang ang asawa ko! at sya lang ang mahal ko!"

Lalong dumilim ang aura ni Anton hanggang sa kaladkarin nya ako palabas ng bahay at pinilit isakay sa sasakyan nya.

"Tignan natin kung saan ka dadalhin ng pagmamahal na yan"

Kung saan man ako dadalhin ni Anton, sana ay hindi pa maging huli ang lahat at mahanap ako agad nila Richard.

Broken Home *COMPLETED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon