Paguwi namin ni Richard mula sa pagbisita sa anak naming si Chaine ay nagulat ako sa nadatnan ko. Walang ka tao tao sa bahay at tanging si Anton lang na nasa bar counter ang naroroon. Umiinom sya ng alak mukhang marami na syang naimon dahil ang dami ng boteng walang laman, mukhang napabayaan narin nya ang sarili nya, nawala lang ako ng isang buwan ay eto na ang bumungad sa akin.
"Buti naisipan mo pa bumalik?" Bungad na tanong nito sakin
"Nasaan ang mga bata?"
"Naaalala mo pa pala sila"
"Anton tinatanong kita"
"Bakit ko naman sasagutin ang tanong mo?"
"Dahil karapatan kong malaman kung nasaan sila. Dalawang araw ko na silag hindi ma contact, saan mo sila dinala?"
"Meron ka pa palang pakialam sa mga anak mo sa akin ano?"
"Anton umayos ka nga! Tsaka nasaan ang mga tao sa bahay?"
"Wala pinaalis ko"
"What do you mean?"
"Hindi ko ba pwedeng ma solo ang asawa ko huh?" Tumayo ito sa kinauupuan nya at lumapit sa akin hinaklit nito ang braso ko at inamoy amoy ako.
"Miss na miss na kita"
"Anton ano ba! Bitawan mo ko"
"Bakit? Ayaw mo ba sakin? Gusto mo ba si Richard ang hahawak sayo?"
"Anong sinasabi mo"
"Wag ka na mag maang maangan pa akala mo ba hindi ko alam"
"Anton nasasaktan ako" Humihigpit kasi ang hawak nito sa mga braso ko panigurado magkakapasa ako nito
"MAsasaktan ka talaga kung di ka susunod sakin" Bigla nalang ako nitong hinalikan ng marahas, masakit sobrang sakit na para bang galit na galit sya sa akin. Itinutulak ko sya palayo at nagsisimula ng tumulo ang mga luha ko pero parang wala parin syang pakialam. Nang tumigil sya sa paghalik ay sinampal ko na sya.
"Ano bang problema mo! Ano bang nagawa ko at nagkakaganyan ka?"
"Tinatanong mo pa talaga! Bakit mas masarap bang humalik si Richard sakin huh!"
"Anong sinasabi mo?"
"Huwag mo na akong lokohin pa"
"Hindi kita niloloko!" Lumayo sya sa akin at may kinuha sa bar counter isang envelope kinuha nya ang laman noon at isinaboy sa akin. Pagtingin ko ay puro mga litrato namin iyon ni Richard noong nasa America pa kami.
"Ngayon mo sabihin Dawn na hindi totoo ang mga iyan"
"Wala kaming ginagawang masama"
"Sa tingin mo maniniwala ako sayo? Hindi ako tanga"
"Tsaka na tayo mag usap kapag hindi na makitid ang utak mo Anton" Tinalikuran ko sya pero hinagit nya ang braso ko.
"Saan ka pupunta huh? Kay Richard? Akala mo makakatakas ka sakin"
"Ano ba Anton, hahanapin ko ang mga anak ko!"
"Hinding hindi mo sila mahahanap at kung inaakala mong maiiwan mo ako nagkakamali ka!" Hinila nya ako paakyat sa kwarto namin, balibag nyang isinara ang pinto at inihagis nya ako sa kama na parang isang gamit lang sumampa sya sa kama at sinira nya ang damit ko. "Ngayon paliligayahin kita, sisiguraduhin kong mas magaling pa ako sa taong pinagmamalaki mo!"
HIndi ito ang Anton na nakilala ko, hindi ito ang Anton na minahal ko.
AN: Sorry sa matagal na update at dahil sembreak na namin ayan na po ang pangako ko...
PS: sorry kung naging masama ang character ni papa Anton pero kailangan talaga para sa flow ng story and always remember na KATHANG ISIP lang po ang lahat ng ito...