Sa mga nakalipas na araw ay naging magulo ang buhay namin lalo na ni Avery naging tahimik ito at halos hindi na lumabas ng kwarto hindi din naman sya nagsasalita sa akin maging sa papa nya kung minsan ay nakikita ko syang umiiyak o di kaya ay tulala para sa isang ina napakasakit makita na nahihirapan ang aking anak hindi ko manlang sya madamayan dahil tinutulak lang din nya kami hindi ko tuloy mapigilang sisihin ang sarili ko sa lahat ng nangyayari kung sana noon pa sumugal na kaming buhayin sya at hindi itago hindi sana hahantong sa ganito ang sitwasyon.
"Dawn ready ka na ba? O gusto mo iusod nalang natin yung interview?"
Napagdesisyunan kasi namin ni Richard na magpa interview na para maging malinaw sa lahat ang sitwasyon namin at para linisin ang lahat ng ispekulasyon na mali naman pero kami lang ni Richard ang magpapa interview at hindi na namin isasama pa si Avery o kahit sino sa pamilya namin dahil ang problemang ito ay sa amin lang naman."Ayos lang ako, naka ayos na ba sila?"
"Oo tayo nalang ang inaantay."
"Sige tara na"
Pumunta na kami sa living room at nandoon na nga si tito boy napagpasyahan naming sa kanya nalang dahil kilala na namin sya ni Richard at ilang beses narin naman nya kaming nakapanayam.
"Sisimulan na po natin ang interview ready na po ba kayo?"
Tanong sa amin ng isang staff at sumagot naman kami ng oo."Dawn at Richard naging isang malaking pasabog ang mga kumakalat na balita na mayroon daw kayong anak maaari nyo bang aminin sa lahat ng manonood kung totoo ba ito?" Ito ang mga panimulang tanong sa amin ni tito boy para sa interview si Richard naman ang sumagot nito.
"Yes mayroon po kaming anak ni Dawn and her name is Avery."
"Si Avery ba ay ipinaampon nyo?"
"The moment I gave birth to her ay ibinigay na namin sya sa dati naming kasambahay and then yung kasambahay namin ay ipinaampon sya sa iba because of financial needs but there was a problem sa bagong kumuha sa kanya hanggang sa napunta sya sa mga Lee."
"Hinanap nyo ba sya o kusa syang nagpakilala sa inyo?"
"Hinanap namin sya ni Dawn because we know that we need to make things right and she's our daughter, wala namang magulang ang matitiis na hindi makita ang anak."
"Ano ang rason bakit nyo sya ipinaampon."
"You know boy we are just in our twenties when we had her and that was the peak of our career so we have no choice and we're just teenagers so we don't know how to handle the situation."
"Pero sino ang nagdecide na ipaampon sya?"
"Yung mga dati naming managers came up with the idea pero sa amin parin nakadepende ang desisyon and we have no choice because that was the only idea that we have."
Nagpatuloy pa ang interview hanggang sa masagot na namin lahat ng tanong at matapos noon ay nag pack up narin naman sila. Nang gabing iyon ay inilabas narin naman ang interview namin hanggang kinabukasan ay nabawasan na ang mga maling news na lumalabas pero may isang news ang nakakuha ng atensyon ko.
"Mapagkakatiwalaan pa ba ang tumatakbong Mayor na si Richard Gomez?" Malaki talaga ang epekto ng nangyayari lalo na kay Richard dahil pinasok nya ang magulong mundo ng politika. Nawala ako sa pagiisip ng makarinig ako ng malakas na kalabog mula sa kwarto ni Avery dali dali naman akong pumunta sa kwarto nya at halos mahimatay ako sa nakita. Nakatumba ang vanity mirror nya at nagkalat ang basag na salamin habang sya ay nakahiga sa lapag at naliligo ng sarili nyang dugo. Sumigaw ako ng tulong at sakto namang dumating si Richard dahil wala si Anton at ang mga bata bumalik na sila sa Manila dahil may pasok pa sila Ayisha. Agad namang binuhat ni Richard si Avery at isinakay namin sya sa kotse at pinaharurot ni Richard ang sasakyan habang nasa kotse ay nakahiga si Avery sa mga binti ko hindi ko mapigilang umiyak dahil nakikita kong walang malay ang anak ko at puro dugo ito.
Nang dumating sa ospital ay dinala agad sya sa operating room habang nag iintay ay di parin tumitigil ang pag iyak ko hanggang sa yakapin na ako ni Richard.
"Shh huwag ka ng umiyak."
"Richard paano ang anak natin"
"Makakaligtas sya Dawn kaya wag ka ng umiyak"
Inakay naman ako ni Richard paupo sa upuan hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako nagising nalang ako ng tapikin ako ni Richard at ilang oras na rin ang nakakalipas ng dalhin sa operating room si Avery.
"Dawn nailipat na sa private room si Avery tara na"
"Kamusta na sya?"
"She's fine stable na daw ang vital signs nya."
Pinuntahan namin sya sa kwarto nya at ng makita ko sya ay hindi ko nanaman mapigilan ang umiyak nilapitan ko sya at sinuklay suklay ko ang buhok nya.
"You are my sunshine my only sunshine you make me happy when skies are grey you never know dear how much I love you please dont take my sunshine away." Sa pagkakataong ito ay nagawa ko syang kantahan dahil hindi ko manlang iyon nagawa noong baby pa sya napakadami pa naming hindi nagagawa ni Avery kaya hindi ko kakayanin kung mawawala sya agad. "Richard ano kaya kung hindi tayo naghiwalay? Kung nanatili tayong magkasama kung nanatili tayong mag asawa? Ano kaya ang buhay natin ngayon? Masaya kaya tayo?" Hindi ko mapigilang hindi isipin ang mga bagay na iyon kung ano kaya ang buhay namin ngayon kung ilan na kaya sana ang anak namin kung ilang bansa na kaya ang napuntahan namin dahil noon iyon ang palagi naming napag uusapan. "Ano kaya ang sitwasyon natin ngayon kung tayo parin?"
"Siguro masaya kasi palagi naman tayong masaya kapag magkasama."
"Hindi mo aakalain na I was once your Mrs. Gomez" natatawa kong saad sa kanya.
You still are my Mrs. Gomez.
~Unedited~