KONTING PORSYENTO NG NARARAMDAMAN

114 0 0
                                    


Tandang tanda ko pa yung araw na may pagbigay ka pang ng sulat at sa sulat na yun nadun ang katagang "gusto kita."
Sa mga oras na yun tila ba tumigil ang mundo ko at di makapaniwala na "totoo ba talaga ito?

Oo aaminin ko dati nagustuhan kita, sino ba naman ang hindi diba? Matalino ka,gwapo at chinito na tila ba nawawala yung mata pag tumatawa ka.
Kaya sino ba naman ako para magustuhan mo, hindi naman ako makinis,maputi,maganda at walang maipagmamalaki sayo.
Di mo ba nakikita, sobrang layo ko sa mga babaeng tipo mo?

Pero nagtiwala parin ako sa sinabi mo na magiging tayo sa tamang panahon.
Nagtiwala ako sa sinabi mo na di mo ako sasaktan.
Sa ilang araw nating magka text at magka chat, kasama na din yung gumagaan yung loob ko pag magkasama tayo.
Eto na dumating na yung araw na pinakakatakutan ko, tuluyan na nga akong nahulog sayo.
Pero bat ganun, kung kelan umamin nako sayo, bigla ka na lang ding di nagparamdam.

Tas mga ilang araw nagkita tayo, napansin ko ang laki naman ng ngiti mo, sobrang saya mo at ang masakit dun, di mo man lang ako nagawang lapitan.
Ano to, naglolokan lang ba tayo?
Sumugal ako kahit alam kong sa araw palang na umamin ka,lolokohin at sasaktan mo lang ako.

Mga ilang araw, kinausap ako ng kaibigan natin, sabi niya konting porsyento na lang daw yung nararamdaman mo para sa akin.
Ang husay mo naman pala sa math, akalain mo yun pati feelings alam mo kung pano i convert sa percent.
May pa north pole at south pole ka pang nalalaman na nag aatract tayo sa isa't isa.
Di mo naman sinabi sakin agad na sobrang luma na pala nung magnet na ginamit mo edi sana nakabili agad ako ng bago baka sakaling magtagal yang nararamdaman mo.

Mga isang buwang nakalipas nakita kitang iniyakan yung dati mong mahal ay mali kasi di mo naman yun iiyakan kung hindi mo na mahal.
Anong pinaparating nung pag iyak mo, na naging panakip butas lang pala ako?
Simula pa lang talaga, isa lang pala yung lokohan.
Isang laro lamang.



Mga TalataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon