Tropa tayo noon..

56 0 0
                                    

Nagsimula tayo sa pagiging isang magkaklase.
Turingan natin noon, mag tropa.
Kasama sa lahat ng trip sa buhay, magkasundo pagdating sa kalokohan.
Kasabay pag recess time at uwian pag pasukan.
Kulang na lang itali tayo ng ating mga ibang kaibigan dahil sa di tayo mapaghiwalay.

Ganyan ko ilarawan ang pagiging mag tropa natin noon.
Nagbago lang ang lahat ng higit sa isang tropa na ang nararamdaman ko para sayo.
Kadalasan naman ganito yung nangyayari diba, na yung isa sa inyo mahuhulog sa tropa niyo o di kaya parehas ang nararamdaman niyo.
Pero andito tayo sa sitwasyon kung saan ako lang yung nahulog.
Andito tayo sa sitwasyon na alam kong di mo ako magagawang saluhin.

Iniwasan mo ako.
Kung dati araw araw tayong magkasama, ngayon bilang na lang sa kamay ko ang araw na magkasama tayo.
Kung dati sabay tayo laging umuuwi ngayon mag isa na lang akong naglalakad.
At mas masakit pa, kung ituring mo ako ngayon parang hindi mo ako kilala, na para bang hangin na lang ako pag dumaan sayo.
Pero mas nadurong yung puso ko na nalaman kong may nililigawan ka na.
Ang sakit, parang gusto kong magwala nung nalaman ko yun.
Gusto kitang sigawan.
Pero ano na nga bang karapatan ko, hindi na tayo tulad noon.

Iniwasan mo ba ako dahil sa ipinagtapat ko yung nararamdaman ko at di mo yun magagawang suklian yung pagmamahal ko sayo?
Alam mo, hindi ko nama n hinihiling sayo na mahalin mo din ako.
Gusto ko lang ipagtapat itong nararamdaman ko.
Mawawala din naman sana ito, makakalimutan ko din to.
Kasi mas masakit pala pag yung dati mong tropa kung ituring ka parang hindi ka na niya kilala.

Mga TalataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon