NAGPADALA SA TAONG LANDIAN LANG ANG GUSTO

40 0 0
                                    

Tula ng isang taong nang- iwan

Naghihinayang sa taong aking binitawan

Binitawan kasi akala ko di na ako masaya

Binitawan kasi akala ko di na siya mahalaga

BInitawan kasi akala ko di ko na siya mahal

Binitawan kasi may ibang nagparamdam


At ngayon ako'y nanghihinayang

Nanghihinayang kasi binitawan ko yung taong nakita ko lang yung halaga nung tuluyan na siyang mawala

Ang dati kong minamahal ay nasa piling na ng iba

May nagpapasaya na sakanya at mahal na mahal siya

Ang tanga ko at nagpadala sa panandaliang saya

Totoo pala talaga yung kasabihan na mikikita mo lang yung tunay niyang halaga pag wala na siya

Masyado akong nasilaw sa isang taong landian lang ang gusto

Pinagpalit yung taong panghabang-buhay sa taong panandalian lang



Gusto kitang bawiin pero naisip ko na wala na pala akong karapatan

Sobra akong nahihiya sa ginawa ko sayo pero mas nahihiya ako sa sarili ko

Nagawa kong lokohin yung taong walang ibang ginawa kundi ang intindihin ako at paulit ulit na pinatawad sa mga pagkakamali ko

Gusto kong magdrama, mag post sa twitter, sa facebook o kaya mag myday

Pero ako naman yung nang iwan kaya wala akong karapatan

Ako yung nanakit kaya mas mabuting tumahimik na lang

Ang sakit, gusto kong umiyak sa mga kaibigan ko pero ayoko kasi diba ang gago ko iniwan kita tas iiyak iyak ako



Pero masaya na ako na makita kang masaya

Masaya na ako na may iba ng nagpapasaya sayo

Masaya na ako na may iba ng tumitili at todo suporta sa tuwing may laro kayo

Masaya na ako kasi nakikita ko naman na sobrang mahal ka niya at alam kong di ka gagaguhin tulad ng ginawa ko

Okay na ako basta masaya ka kahit ako hanggang ngayon nanghihinayang at umaasa na sana bumalik ka kahit alam kong sobrang labo na.

Mga TalataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon