Muling Pagkikita

44 0 0
                                    


Natapos ang pasukan ng di man lang natin napag usapan ng maayos kung bakit mo ako nagawang saktan.
Kung mag usap tayo ay para bang tulad lang ng dati, yung panahong wala ka pang paki.
Nakakaya mo na akong nginingitian na sa mata moy nakikita ko na masaya ka.
Na para bang pinamukha mo sa akin na wala na talaga.
Samantalang ako pinipilit paring magpakatatag sa harap nila.

Sobrang nakakapagod mag antay sa taong wala namang pakialam sa nararamdaman mo.
Sa bawat pag lipas ng buwan ay umaasa na sana humingi ka ng kapatawaran sa sakit na naidulot mo.
Pero habang tumatagal ay napaghinuha ko na malabo na yung mangyari at malabo na din na tayo'y magtagpo.

Masaya na sana ako at masasabi ko nun na okay na ako, pero dumating yung araw na di ko inaasahan.
Landas natin ay muling nagtapo pagkalipas ng pitong buwan.
Muli tayong nagkita sa kaarawan na ating kaibigan.
Sobrang liit pala talaga ng mundo.
Nang tawagin nila ang pangalan mo,sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Ano ba to? Akala ko ba okay na ako.

Mga mata natin ay nagtapo, mga masasaya at masasakit na ala-ala ay muling bumabalik sa aking isipan at dinala ako sa masakit na karaan.
Muling naramdaman ang kirot sa sakit ng iyong pag iwan.
Sa pag uwi ay di ko napigilang umiyak, na parang tanga lang.
Siguro nabigla lang yung puso at sistema ko dahil sobrang tagal na din nung tayo'y huling nagkita.

Lumipas ang ilang buwan simula ng ating pagtatagpo ay unti unti ng gumagaan ang pakiramdam ko, masasabi ko na na naka move on nako.
Na handa na ako kapag tayo ay ulit magtagpo.
Makakaya na kitang harapin na masaya na ako pero hindi na dahil sayo.
Sobrang sarap pala sa pakiramdam.
Na tinatawanan ko na lang pag na alala ang dating ginawa kong katangahan

Mga TalataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon