HANDANG MASAKTAN NG PAULIT-ULIT

16 0 0
                                    


Sa maliwanag na kalangitan dahil sa bilog na buwan

Tayo ay nakahiga sa isang damuhan

Pinagmamasdan ang mga kumikinang sa kalangitan

Mga tala, napakagandang pagmasdan

Pinapakinggan ang mga tunog ng kuliglig sa kapaligiran

Dinala mo ako sa lugar na ito na di alam kung ano yung dahilan mo

Napakatahimik pero buntong hininga mo ang mas pumukaw sa atensyon ko

Akoy biglang napalingon sayo

Nakatitig ka sakin gamit ang mga mata mo ngayong kumikinang

Kumikinang hindi dahil sa mga tala kundi ito ay mga luha


"Anong problema mahal?"

At hinawakan mo ang mga kamay ko, napakalamig ng mga ito

"Maghiwalay na tayo, hindi na ako masaya sayo at nasasakal na ako" at unti-unti kang bumangon

"Patawad aking Binibini, ngunit ikaw ay mas masasaktan pag ito pa ay ating pinatagal" at kasabay nun ang pagbitaw mo sa aking mga kamay at tuluyan ng bumangon

Naglakad ka at hindi na ulit lumingon

Tinahak mo ang daan tungo sa paglisan sa buhay ko

Akoy napatulala at di inakala na sa isang mapayapang gabi at napakagandang panahon

Tinapos mo ang tayo

Pinutol mo ang mga lubid na sa ating dalawa ay nagdudgtong

Mas pinili mo ang daan tungo sakanya

At sa pangalawang pagkakataon mas pinili mo na naman siya



Akala ko maiiayos ko pa ang relasyon nating dalawa

Pero mahirap din pala pag ikaw lang yung gumagawa

Ikaw lang yung pilit na binubuo yung kayo na sinira niya

Sinira niyang ako ang nag ayos

Nagbabakasakali na maibabalik pa

Nagbabakasakali na maisayos pa ang mga lubid na nagbuhol buhol na

Pero mas pinagulo niya at mas piniling putulin

Akala ko sa paghahabol ko makukuha pa kita ulit

Akala ko sa pagmamakaawa ko mas pipiliin mong manatili

Pero isang malaking kamalian, sa tuwing ikaw ay hahawakang mahigpit mas pinili mong kumawala

Mas pinili mo na durugin ako para maging masaya siya

Mas pinili mo na wasakin ako para mabuo lang siya

Mas pinili mong kumawala para maging malaya kayong dalawa


Malaya kayong dalawa ngunit kapalit nun ang pagkakulong ko

Pakakulong sa mga alala na binuo natin ng tatlong taon

Pagkakulong sa pag asang baka bumalik at mas nagpagtanto mo na mas mahal mo ako

Na baka magpagtanto mo na isang pagkakamali na piliin siya at lisanin yung buhay ko

Mag aantay ako hanggang sa kaya ko

Magtitiis ako sa bawat sakit na dinulot mo

Handang magpatawad kapag ako ay binalikan mo

Handang tanggapin ka ng buo sa kabila ng pagkasira ng "AKO"

Ganun kita kamahal aking Ginoo

Na kahit sa ilang beses mong pananakit

Handa parin akong masaktan ng paulit-ulit kapag ikaw ay bumalik

Mga TalataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon