Binigyang Kahulugan

22 0 0
                                    


Nakaupo ka lang sa pinakadulong hilera ng mga upuan

Nasa sulok ka naka pwesto ng ating silid aralan

Tahimik na tao pero kalaunan mapang asar

Hindi ko inakalang mahuhulog yung loob ko sayo

Hindi ko inakala na magugustuhan kita ng ganito

Hindi ka naman sobrang gwapo at sakto lang yung tangkad mo

Pero mas nagustuhan ko yung pagiging palangiti mo

Nagustuhan ko yung mga bagay bagay na gusto mo

Nung unang beses kitang makausap dun nagsimula ang kalbaryo ko

Dun nagsimulang tumibok ulit yung puso ko

Dun nagsimulang nakaramdam na naman ako ng takot

Takot na baka malaman ng iba

Takot na baka malaman mo at baliwala lang ito sayo


Alam ko kasi o nararamdaman ko yung mga tipo na babae na gusto mo

At ramdang kong hindi katulad ko

Hindi kasi ako maganda at walang maipapagmalaki sayo

Napaka simple kong babaeng walang talent ni kahit isa

Nagsisimula na tayong asarin ng mga kaibigan ko

Nagsimula yun dahil dun sa una nating beses na nag usap

Binigyan pala nila ng kahulugan yun

Araw araw nila akong inaasar sa apelyido mo

Nakaramdam na naman ako ng takot

Kasi sa bawat araw na pang aasar nila mas lumalaim yung pagtingin ko sayo


Pinipilit nila ako sayo

Pero di ko mabasa yung mukha mo

Natatakot ako, sobrang takot

Pero gago handang sumugal to kahit alam kong talo nako

Pero sana magbigay ka na ng tanda na tigilan ko na tong kahibangan ko

Kasi baka mas mahulog ako na alam ko naman wala ka dun sa baba para saluhin ako

Prangkahin mo na ako, mas maganda yun para may dahilan na ako para tumigil na

Mga TalataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon