"Ang kwento ng section na ito ay magtatapos na"

111 0 0
                                    


#lablabREBO

Hunyo trese dalawang libo labing pito ang unang araw na ang mga landas natin ay pinagtagpo-tagpo.
Unang araw na itinakda tayong magsama-sama sa loob ng dalawang taon.
Unang araw kung saan nakaplano na sa mga kamay ng tadhana at nakasulat na sa bawat pahina ng libro ang magiging kwento ng section na'to.

Ang unang taon ay di pa natin gamay ang bawat isa.
Unang taon kung saan sinubok tayo ng panahon dahil sa unang thesis na pinagawa.
Unang taon kung saan maraming overnight na naganap matapos lang at mapasa sa deadline na binigay nila.
Unang taon kung saan di pa natutong uminom ngunit marami ang nakatikim na ng alak dahil sa isang subject natin noon.
Unang taon kung saan kapag may birthday, softdrinks o juice lang ang iniinom.
Unang taon kung saan wala pang masyadong mag jowa sa room.
Unang taon kung saan nakatagpo tayo ng guro na may iba't ibang mundo.
Unang taon kung saan nabuo ang grupo ng "Ortuyonatics", "Paxx", "Tara mas mag-aral tayo
" at iba't iba pang grupo sa room.
At unang taon na inaakala natin na huling pagkakataon na lamang iyon na magiging adviser natin si mam donna noon.

Tayo ay dadako sa pangalawang taon, pangalawang taon na masasabi natin na pinaka the best na taon.
Pangalawang taon na tayo ay mas naging matatag at palaban.
Pangalawang taon na dalawang thesis ang ating hinarap at maraming salamat ito'y ating nalagpasan.
Nalagpasan sa kabila ng hirap, ubusan pera, magkakaibigan na muntikan ng ma friendship-over dahil sa di pagkakaintidihan.

Hirap, ang daming hirap, na ang ating pinagdaanan. Kawalan ng maayos na tulog matapos at maipasa lang ang mga requirements na dapat ipasa,
Ubusan pera, dito tayo natutong magtipid, di na kumakain minsan, natutong mangutang sa ating mga kamag-aral may pang-ambag lang.
Friendship-over, panahong sinubok ang pagkakaibigan dahil sa minsang nag-aaway dahil di na magkaunawaan.
At pangalawang taon kung saan nabuo ang grupo ng fotahontas na puro tawanan lang kami dahil sa dalawang bakla na nandito sa room.

Hindi ko na iniisa-isa ang mga pinagdaan ng section na ito.
Dahil sa kabila ng hirap ay ito'y ating nalagpasan at naging mas matatag tayo.
Ilang pahina na lang na ang dating pinagbuklod-buklod ay muling bubuwagin ng pagkakataon.
Pagkakataon na magdadala sa ating lahat sa panibagong yugto at panibagong kwento.
Sa adviser naming napakaganda, maraming salamat sa mahabang pasensya at unawa na ibinigay mo sa section na'to.
Maraming salamat sa pagiging nanay namin sa loob ng dalawang taon.
Maraming salamat sa walang sawang pagsuporta pag kami'y sumasali sa patimpalak o kahit maliit na okasyon.
Maraming salamat sa lahat ng aral at kabutihan na binahagi mo.
Isa ka sa taong kailanman ay hindi namin makakalimutan dahil sa mabuting katangian na ipinakita mo.
Kami man ay naging sakit sa ulo, salamat sa walang sawang pag-unawa at pagbibigay payo para kami'y tumino at matuto.
At maraming salamat sa damit mong paninda at pampaganda na ibinebenta.

Sa section na'to, maraming salamat sa lahat ng masayang ala-ala na ibinahagi niyo.
Ang section na mas solid pa sa bato.
Maraming salamat dahil iba't ibang aral ang natutunan ko.
Maraming salamat dahil sa iba't ibang kwento ng iyong buhay ay ibinahagi niyo.
Hindi ko makakalimutan yung pag may naglabas ng pagkain ay sabay-sabay manghihingi at lahat ay naghahati-hati.
At nag-aaway na minsan dahil sa kabi-kabilang ambagan na para mapatunayan ay kailangang ipakita ang resibo.
Hindi ko makakalimutan ang bawat tawanan, iyakan, asaran at bangayan sa apat na sulok ng silid-aralan na ito.
Maraming salamat mahal kong REBO kayo ay isang napakagandang ala-ala na kahit kailan hindi ko nanaising mabura.

Ngunit tanggapin natin ang katotohanan na ilang araw na lang matatapos na ang kwento sa section na'to.
Masakit man isipin at mahirap tanggapin wala tayong ibang magagawa dahil tayo ay papasok na sa iba't ibang kwento.
Iba't ibang kwento kung saan makakasama natin ang iba't ibang panibagong kamag-aral at guro.
At ilang araw na lang, tayo'y aakyat na sa entablado kung saan naghihintay satin ang isang napakagandang regalo.
Makukuha na natin ang ating mga diploma ng tayo ay nakasuot na ng toga.
Isang bagay na kung saan napakandang regalo sa ating mga mahal na magulang.
Magulang na walang-sawa tayong ginagabayan at kahit sobrang hirap ng kanilang pinagdaan ito'y kinaya nila maitaguyod lang ang ating pag-aaral.
Kaya tayo ay magpasalamat sa naging bahagi ng ating paglalakbay  at magiging bahagi pa sa panibagong daan na ating pupuntahan.

PS. Maraming Salamat kay Binibining Shangrila sa pagproof read nito. Reto nalang kita sa iba kung ayaw nya sayo. Lablab ❤😂

Mga TalataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon