May Mahal ng Iba

71 0 0
                                    


Patawarin mo ako sinta,kung hanggang ngayon ako'y kumakapit pa.
Patawarin mo ako sa di ko pagbitaw kahit ika'y masaya na.
Patawarin mo ako kung umaasa parin ako na bumalik ang dating tayo'y masaya.
Pasensiya nakung inaaya parin kitang kumain sa labas kahit alam kong siya na yung kasama mo.
Pasensiya na kung kinukulit parin kita sa chat at text na "mahal kumain ka na, wag kang magpapalipas ng gutom" kahit alam kong may iba ng nagpapaalala sayo.
Pasensiya na kung kinukulit pa rin kita.
Pasensiya na kung nakikita mo akong umiiyak sa harap niyong dalawa.
Pasensiya na kung pauli-ulit akong nagmamakaawa na sana bumalik ka sa piling ko sinta.
Pasensiya na,mahal na mahal parin kasi kita kahit nagmumukha na akong tanga ay lumalaban pa.

Pero wag kang mag alala pag ako'y napagod na, magiging panatag ka na din sa piling niya.
Pag ako'y nagising sa katotohanan di mo na ulit maramdaman ang inis sa ilang beses kong pamimilit.
Pamimilit na sana ako'y iyong mahalin ulit.
Matutunan din kitang kalimutan at tuluyan ng palayain, kaya konting tiis na lang mahal.
Konting tiis na lang matutunan din kitang bitawan.
Makakalimutan ko din ang lahat ng ating malulungkot at masasayang ala-ala.
Ala-alang na sa isipan mo ay nabura na.
Nabura na dahil may mahal ka ng iba.

Mga TalataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon