TAMA NA! PANAHON NA PARA SUKUAN KA

28 0 0
                                    

Panahon na para sukuan na kita.

Huling beses mo na itong maririnig mula sa aking bibig.

Di na kita kukulitin.

Di na kita itetext araw araw.

Di na kita dadalhan na pagkain sa iyong silid aralan.

Di ka na makakatanggap ng mga papel na may sulat kamay.

Di na kita susundan sa mga lugar na gusto mong puntahan.

Di mo na maririnig yung mga biro ko na kahit kailan di mo magawang tawanan.

Di mo na makikita yung ngiti kong kahit nasasabihan mo na ng masasakit na salita.

Di na kita susuportahan sa bawat laro mo tuwing uwian.

Di mo na maririnig yung nakakarindi kung sigaw.

Lahat ng yan ititigil ko na dahil panahon na para akoy sumuko na.

Dahil masyado ng malalim ang sugat na dulot ng ilang beses mong pagbabalewa.



Oo nga pala tama sila hindi ako aso para habulin yung taong di naman ako gusto.

Hindi pala ako sundalo na kaya kang ipaglaban dahil alam kong sauna pa lang wala naman talagang gulo.

Hindi pala ako clown na kayang magpasaya sayo at inaabangan na sana masilayan yang ngiti mo.

Mga ngiti mo sana ako ang maging dahilan nito.

Tama nga sila na kahit ano pa yung gawin mo pag di ka gusto balewala lahat yang effort mo.

Tama nga sila bakit ko pa nga ba ipagsiksikan yung sarili ko sa taong ni isang beses di naman makita yung halaga ko.

Tama na isang taong pagpapakatanga at pagiinda sa mga sugat na ikaw yung naging dahilan nito.

Tama na sa pagbingi bingihan sa bawat masasakit na salita na narinig galing sayo.

Tama na ang pagbulag bulagan sa tuwing nakikita kitang ang iyong mga mata ay nakatingin sa babaeng gusto mo.

Gusto mo pero magkatulad lang din naman tayo kasi di din niya makita yang halaga mo.



Hindi ko na alam ang gagawin ko kasi pinakita ko naman sayo ng buo kung gaano kita kagusto.

Gustong gusto kita pero binalewala mo lamang ako.

Napakamanhid mo, pinamukha ko na sayo kung gaano kita ka gusto pero wala parin ito sayo.

Masakit man para sukuan ka pero mas masakit kung ipagpapatuloy ko pa ito.

Naaawa na ako sa sarili ko habol ako ng habol pero ni kahit minsan di ka man lang huminto.

Napapagod din naman ako, di porket gusto kita ay pwede mo na akong durugin ng ganito.

Tao lang ako napapagod at kailangan na ding huminto.

Huminto sa paghabol sayo at hahayaan na lang kitang tumakbo ng tumakbo.

Dahil sa totoo lang nakakapagod kang mahalin at sana wag na akong makatagpo ng isang lalaking kagaya mo.



Palayain na kita kahit alam kung ni isang segundo sa buhay ko di ka naman naging akin.

Malaya ka na, gawin mo na ang gusto mong gawin.

Dahil wala na yung babaeng, wala ng ibang ginawa kundi ikaw ay kulitin at inisin.

Wala ng magpapasakit sa ulo mo kasi ang babaeng pinipilit kang pinaglalaban ay ito napagagod na sa kakatakbo.

Sumusuko na dahil masyado ng madami ang sugat na kanyang tinamo dahil sa ilang beses na pagkadapa ngunit di mo man lang siya nagawang tulungan para  itayo.

Ang babaeng gustong gusto ka ay kailangan ng huminto at gamutin ang mga sugat na kanyang natamo.

Ilang buwan man o umabot ng taon ang kanyang aantayin para ang mga sugat ay maghilom.

Ngunit wag kang mag aalala sa pag galing ng mga sugat na ito ay maglalakad na siya sa ibang daan kung saan malayo sayo.

Nakapag update din sa wakas! Sana ay mapansin niyo ito kasi ilang buwan na din akong di nakapag update. Wala kasi akong maisip na kung tungkol saan yung isusulat ko. Pero thank you sa magbabasa nito

Mga TalataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon