Mahirap Mainlove sa Kaklase

14 0 0
                                    

Ang hirap ma inlove sa isang kaklase.

Yung tipong di mo mapigilang kiligin sa tuwing kakausapin ka niya.

Kiligin sa tuwing inaasar ka niya.

Kiligin sa tuwing magka grupo kayo sa isang subject niyo.

Kiligin sa tuwing nakakasabay niyo siyang kumain sa paboritong lugar niyo.

Kiligin sa tuwing nakakasabay mo siya sa jeep na sinasakyan mo.



Lahat ng yan para sayo ay walang kahulugan.

Maliliit na bagay para sa iba at sayo pero ayan ang isa sa dahilan kung bakit mas ginaganahan akong pumasok araw araw.

Mas ginaganahan kasi araw araw kitang masisilayan.

Pero ang hirap din kasi ako lang yung nakakaalam.

Ako lang yung nagbibigay kahulugan sa mga maliliit na bagay .

Nakakatakot magsabi sa iba kasi alam kong aasarin ka nila.

Pag aasarin ka nila baka magalit ka o kaya lumayo ka pa.



Kaya sapat nasakin na ako lang ang may alam.

Sapat na saking palihim kang tinititigan at pinagmamasdan.

Sapat na sakin na kaklase lang ang tingin mo sakin.

Tatanggapin ko kahit masakit, pero ginusto ko naman to.

Mas pinili kong palihim na lang kasi sabi nga sa rule no. one bawal mainlove sa kaklase .

Ayoko ko din na inaasar ako pagdating sa taong gusto ko kasi gago napakamarupok kong tao.

Pag inasar nila ako sayo baka mas mahalin lang kita ng todo.



Diba napaka duwag kong tao, pero babae lang naman ako.

Marupok at takot na malaman mo ang totoo.

Ang hirap din magkwento sa mga kaibigan ko.

Ewan ko ba may taglay na akong ugaling ganito.

Tsaka na ako aamin pag wala na akong nararamdaman sayo.

Para pag inasar tayo atleast tapos na ang tayong ako lang ang nakakaalam.

Sobrang tagal ko na din pala di nakapag update ng bagong tula kaya ayan na sana magustuhan niya, kakagawa ko lang din niyan. Buti gumana yung emosyon ko hehe

Guys please don't forget to click "vote" and leave a comment

Thank you!

Mga TalataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon