D-3Agreement

12.1K 229 1
                                    

Ngayon ang araw na palugit ni Dave kay Dianne. Puno ng pangamba ang puso Dianne pero isa lang ang natityak niya gagawin niya ito para sa lalakeng mahal niya.gusto niyang tulongan ito na makalimot sa nangyari kay Issa .gusto niyang buamlik ang dating Dave na kilala at minahal niya kahit sa malayo.di bali nang di masuklian ang pag mamahal niya para dito basta maging ok lang ulit ang lalake. Tanga na siya kung tanga wala namang matalino pag dating sa pag ibig.pero hindi niya hahayaan lamunin ng galit ang puso nito. Kung kailangan siya ang dapat mag dusa at masaktan para bumalik lang ito sa dati gagawin niya isasakripisyo niya ang sarili niya para sa lalakeng mahal na mahal niya. Kahit siya ang maging talunan Sa bandang huli.pero hindi niya hahayaan na maging misirable ang buhay nito.

Huminga siya ng malalim at pumasok na sa building ng mga Alcantara. Nasa 3rd floor ang office ni Dave pagkarating niya roon ay agad niyang binati ang secretarya ni Dave.

Magandang araw po Doc.Madrigal. Bati ng secretarya nito nag tataka siya na kilala siya nito pangalawang beses palang siyang nakapunta rito at pangalawang beses palang din niya ito nakikita.

Magandang araw rin nariyan ba si Dave? Tanong niya.

Opo Doc bilin po niya pasok lang daw po kayo pagkadating po ninyo. Saad ng secretarya nito.

Ngumiti siya rito bago humakbang papasok sa opisina ni Dave.pero napahinto siya sa pag pasok ng makita niya ito na may Kandong na babae at nag hahalikan ang mga ito.parang binuhusan siya ng malamig na tubig .parang
may kumurot sa puso ni Dianne sa nakikita niya. Bahagyang tumingin sa gawi niya si Dave.

I-I'm sorry nakakaistorbo ata ako babalik nalang ako mamaya. Nauutal na saad niya. At tatalikod na sana siya.

No stay! Aalis na rin si Sally.matiim na saad nito.ganoon parin ito walang emosyon sa mga mata nito. Kapag nakatingin sakanya ay tila may apoy sa mga mata nito. At ano mang oras ay matutupok siya.

Tinaasan siya ng kilay ng babae na nakakandong kay Dave.who are you? Tanong nito sakanya.
It's none of you business kung sino ako. malamig na tugon niya  sa babae .sino ito para taas taasan siya ng kilay at umaktong kung sinong mataas.halata namang puro turok ng karayom ang buong katawan nito pathetic slutt sa isip niya.

You can go Sally may pag uusapan kaming importante. Saad nito sa babae na nakakandong sakanya.

Wait diba sabi naman niya babalik nalang siya? Maarteng saad nito kay Dave.

I said go . !Wag mong antayin kaladkarin pa kita palabas. Maautoridad na utos nito sa babae.nakita niya ang takot sa mukha ng babae na dali daling tumayo sa kandungan ni Dave at tinignan siya ng matalim bago tuluyang lumabas.

Hinayaan nalang niya ito ayaw niyang patulan pa ito. Di na niya inintay ito na paupuin siya siya na mismo ang umupo sa upuan na naroon.

So you're here siguro naman ay nakapag desiyon ka na Dianne .malamig na saad nito habang inaayos nag polo na suot suot.

Papayag ako pero may kundisyon ako na kailangan mong sang ayunan Mr.alcantara. Matapang na saad ni Dianne para matakpan ang kaba na nararamdaman niya.

ano ang kondisyon na sinasabi mo? Kunot noong tanong ni Dave sakanya.

Una iurong mo ang demanda sa Hospital namin.
Pangalawa wag mong ipitin ang kompanya na pinaghirapan ng daddy ko noong nabubuhay pa siya.alam ko na ikaw ang may pakana kaya nag si alisan ang investor roon.nakikiusap ako sayo Dave wag mong pakialaman ang pamilya ko.
Pangatlo wag mong pakialam ang mga tao na nasa paligid ko.lalo na ang mga pinsan ko. Sa oras na hindi mo iyon sinunod Dave kahit kasal tayo I Swear to God kakalimutan ko na nakilala kita pinapangako ko yan sayo .kung gagawin mong impyerno ang buhay ko wag mong idamay sila ako lang nag may kasalanan sayo.
Saad ni Dianne.

The Doctors Series (Dianne and Dave)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon