Ako si Nicolo Anton Santos. Mas kilala bilang Ace, ako kasi ang Ace Player ng School Basketball team namin pero tinatawag akong Nikky o Nico ng mga kaibigan ko.
Noon pa naman magulo ang buhay ko, dahil sa mga babaeng pilit na isinisiksik ang sarili sakin. At HINDI KO YUN GUSTO. Gusto ko lang talaga ang paglalaro ng basketball, pero hindi ko naman akalain na aabot sa puntong para na akong artista na iniidolo ng iba. Hindi ko din akalain na ang dati kong magulong buhay, ay may mas igugulo pa dahil lang sa isang deal. Mapipilitan akong makipag- date sa pinakawirdong babae sa school—si Kim Diannara Feliciano. O mas kilala sa tawag na "LABO". May salamin kasi sya. Mahilig syang pagtripan dahil sa porma nya. At madalas, hindi sya nagsasalita at laging walang kasama. Ewan ko ba, mahilig lang talaga siguro ang mga tao dito sa school na magtrip ng kapwa nila estudyante. Ayoko naman talagang gawin to, ayoko kasing pinaglalaruan ang mga babae kahit pa sabihin ng iba na weirdo sya. Pero no choice eh. Ayokong mawalan ng kaibigan at ayoko ding mawala ang girlfriend ko sakin. Akala ko pagkatapos ng date tapos na.. Hindi pa pala.
A story by MegaSuperHyperYkki.
Followme! MegaSuperHyperYkki on wattpad.
Addmeup! www.facebook.com/megasuperhyperykki on facebook.
Please support and vote for my stories. Enjoy reading! ^^
BINABASA MO ANG
The Weird One
RomanceMakipag-date sa pinakaweird na estudyante? O makipagbreak sa girlfriend mo? Paano kapag ikaw ang nalagay sa sitwasyong ito? Ano ang pipiliin mo?