"Teach, samahan mo nga ako, kain tayo sa baba" sabi ko sa co-teacher ko. Tama kayo ng basa...
Isa akong GURO...
Guro ng asignaturang kinaayawan ng mga mag-aaral sa eskwela, ang sipnayan o mas kilala sa tawag na MATEMATIKA.
"Teka lang teach! Kunin ko lang yung wallet ko sa bag" sabi ng co-teacher ko na maituturing ko na ding matalik na kaibigan, siya nga pala si CRISTINA. Kasing edad ko lang din siya at pareho na kaming nakapasa sa Licensure Examination for Teachers o mas kilala sa tawag na L.E.T.
Siya nga pala, nagpakilala na ba ako?
Ako nga pala si...
Mickey Dela Cruz, binibigkas ang ngalan ko bilang MAYKI, dalawampu't dalawang taong gulang. Nagtatrabaho sa isang Tutorial Center, hindi pa kasi ako nakakapag-apply sa ibang mga eskuwelahan at may nagrekomenda din kasi sa akin rito.
"Kimmy sagutin mo na kasi ako"
"Miggy! Tigilan mo na kasi ako"
"Kailan mo ba kasi ako sasagutin?"
"OO ngayon na! OO NA!"
Kabataan talaga ngayon tsk! Take note, mga Elementary pa lang yang mga yan, may pachoosy effect na, oo rin naman ang sagot. Parang ang dali lang kung susumahin pero kapag andun kana, mahirap din.
LOVELIFE? Ano yun? Nakakain ba yun? HAHA, joke. Pag dating sa ganyang usapin, wala akong maisasagot kadalasan kasi sa mga nakakarelasyon ko laging ako ang iniiwan o minsan niloloko.
Hindi ko nga alam kung talagang malas ako o ano. Minsan na akong nagseryoso at ginawa ang lahat para sa LOVE pero anong napala ko? Niloko lang din ako at sinaktan.
Buti pa yung dalawang batang yun kahit Elementary palang sila maaring yun na yung nakatadhanang magmamahal sa kanila, samantalang ako bente-dos anyos na, nasasaktan pa.
"Hoy Mickey! Wala ka nanaman ba sa isip mo? Siya pa rin ba iniisip mo?" sabi ni Cristina na may kasabay na tapik sa balikat ko.
"Teach naman eh! Wag kang basta-basta nanggugulat" sabi ko sabay lingon sa kanya
"Nanggugulat? Eh tulala ka kaya diyan. Sabi mo kasi samahan kita kumain sa baba, kinuha ko lang saglit tong wallet ko thingy, tapos pagbalik ko tulala ka na diyan, earth to Mickey are you there! Siya nanaman no?" mahabang litanya sa akin ni Cristina na may pagkabading gesture pa -_- EWW
"Kung sasabihin ko bang oo magagalit ka?" medyo nagaalangan kong tanong sa kanya, simula kasi nung nasaktan ako siya yung isang taong nagpaalala sakin na hindi lang YON ang magmamahal sakin.
"Bakit naman ako magagalit? Bestfriend thingy kaya tayo! Hayyyy Teach, tama na yan, MOVE-ON MOVE-ON DIN PAG MAY TIME! Dami pa namang iba diyan eh! Naalala mo ba yung sinabi ni mama? There's so many fishes in the sea!" sabi ni Cristina na may pakumpas-kumpas pa ng kamay niya animoy may flag ceremony.
Si Tita nga pala, parang nung isang linggo lang yun, sabi niya saken, madami pa namang iba na makikila ko bata pa naman daw kasi ako at marami pa akong makikita, bait ni tita no?
Yan ang nanay ni Cristina, bait ng nanay niya noh? Kasama din pala namin siya sa trabaho, ang kaso dun siya sa isang branch, kaya minsan lang kami magkita.
"Parang ang dali naman sabihin teach, pero ang hirap gawin, mahal na mahal ko pa din siya eh! Sobra teach T^T" mangiyak-ngiyak na sagot ko sa sinabi ni Cristina matapos kong ibalik ang atensyon ko sa kanya.
Parang kailan lang ng maranasan ko muli ang maging masaya at punong puno ng ngiti ang aking mga labi at iyon ang hindi mo malilimutan sa tanang buhay ko...
Nung makilala ko SIYA. . .
A/N
Hello po, una sa lahat first time ko pong gumawa ng story kasi una ko lang pong gawa ito, sana po ay inyong irekomenda sa mga kaibigan, lovelife at pati teacher niyo na din.
COMMENT|VOTE|BE A FOLLOWER :")
-mickholette
BINABASA MO ANG
Facebook Love Story (On-going)
RomanceSomeone invites you to the group ♥♥♥♥ ALL RIGHTS RESERVED MICKHOLETTE2014