Present day
Mickey's POV
Kasalukuyang naglilibot kami ng kaibigan kong si Aeprille-kaklase ko noong kolehiyo na mahilig sa pagbabasa ng mga istorya sa wattpad, dito sa SM North at halos masira ang buong araw namin dahil sa dami ng mga couples na nakakasalubong namin.
Teh! February na ba ngayon? Bakit parang andami yatang couples ngayon? Takang pagtatanong ko kay Aeprille sabay tingin sa kamay ng couple na makakasalubong namin.
Ewan ko ba teh! Di pa naman February pero andami dami ng magkasintahan ngayon! Sabagay teh malamig na ang simoy ng hangin! Pasko na teeehhhh!!! At eto NBSB pa din ako. Malungkot na sabi ni Aeprille.
Ok lang yan teh! Di pa kasi dumarating yung right guys para sa atin! Tiis ganda nalang muna tayo! Sabi ko na feeling confident.
Sus! Kelan naman yun darating yun aber?! Pero teka Mickey di ba mga ganitong panahon din yun nung nakilala mo yung...Marko ba yun? nagtatakang tanung ni Aeprille.
Neng, masyado kang excited! October pa lang.. At wala pa ngang December ehh haha maghahaloween muna bago pasko! Saka pwede wag natin siyang pag-usapan?! Medyo badtrip kong sabi sa kaibigan ko.
Oh sorry naman teh!! Naalala ko lang kasi yung kinuwento mo about sa kanya. Last question, paano nga ulit naging kayo?? pangungulit na tanong ni aeprille sa akin.
Sa di malamang dahilan ay biglang nagspace out ako at biglang nagflash back lahat ng pangyayari bago naging kami ni MARK..
.
.
.
.
.
.
Disyembre 23, 2013 ; 6:30pm
Ok lang ako Myko! Ok na ok pero gusto ko lang itanong, Pwede bang ako nalang magmay-ari sa puso mo? I mean p-pwede na bang maging official na tayo?
Biglang tumigil ang mundo ko. . .
.
.
Ano kayang isasagot ko sa tanong niya? Pag ba sinabi kong oo eh magiging masaya ba ako?
Pag naman hindi ang sinabi ko eh parang niloloko ko lang ang sarili ko kasi kahit ikut-ikutin ko man ang mundo di noon mawawala sa sistema at sa puso ko kung ano talaga ang nilalaman nito. Kaso kakikilala lang namin!
Di ba parang napakabilis naman ng buong pangyayari? takang tanong ko sa sarili ko.
Sa di malamang pangyayari eh may biglang dalawang di ko maipaliwanag na pigura ang lumabas at kinakausap ako. Ang isa ay lalaking gwapo na nakaputi at may bilog na umiilaw sa taas ng kanyang ulo <shocks napakagwapo naman niya author! Pwede bang sa akin nalang siya? Haha *^-^* kilig much> samantalang yung isa naman ay isang napakagandang babae na nakasuot ng daring na damit samahan pa ng umuusok na paligid at may mahabang buntot sa kanyang likuran with matching tinidor pa na sobrang laki!
Biglang nagsalita yung gwapong guy, Mickey! Huwag kang matakot, ako ang guardian angel mo! Nandito ako ngayon upang gabayan ka sa pagdedesisyon mo! <like seriously?! Ganyan ka gwapo yung guardian angel ko author?! Waaaaaahhhhhhhh! Gusto ko na ata mamatay! *insert kamay sabay batok* Aray ahh! Sino yun?! Siguro kayo yun no mga readers! Hmpft! >
Pagkatapos na pagkatapos magsalita ng guardian angel ko daw ehh biglang sumingit yung magandang babae na may buntot, Sus papogi ka nanaman diyan Angelito! Mickey, ako lang naman ang nagiisang dyosa ng kagandahan na si Sabrina at nandito ako para sabihin sa iyo na dapat huwag kang basta basta sasagot ng oo baka mamaya niyan eh rapist yan o di kaya eh baka kidnapper, pero kung gusto mo ng thrill, then go! Tutulungan pa kita para mapalapit ka lalo sa kanya!! wahahahaha. wagas naman makatawa si Sabrina.
Mickey, huwag ka magpadalos dalos, kilalanin mo muna siya at kung sa tingin mo ay sa kanya ka lubos na liligaya, umoo ka! Sa bandang huli, ang puso mo pa din ang dapat mamayani! Malumanay na sabi ni Angelito.
MYKO!!! MYKO!!! Ok ka lang ba? May nangayari bang masama sayo? Bakit di ka na nagsalita? Sunud-sunod na tanong sa akin ni Papa Mark ko na siyang nagpabalik sa akin sa realidad.
A-ahhm o-okay lang ako M-mark, nagulat lang ako dun sa huli mong sinabi! Kakikilala lang kasi natin pero ayaw ko naman lokohin ang sarili ko! Alam ko may nararamdaman din ako para sayo pero di pa ganun katindi. Baka nga crush pa lang kita ehh. Willing ako maging sayo kung iingatan mo ng husto ang puso ko! At sa sinasabi mong official? Tinatanggap na kita sa puso ko sa gabing eto pero magiging official lang tayo pag nagkita na tayo. Ok lang ba sayo iyon? Nahihiya kong sabi kay Mark.
OKAY NA OKAY SA AKIN YON MYKO!! YAHOOOO!!! ANG SAYA SAYA KO!! KAMI NA NG BABY KO!! I LOVE YOU BABY!! MAHAL NA MAHAL KITA BABY KO! PANGAKO IINGATAN KO PUSO MO AT SESERYOSOHIN KITA! I LOVE YOU!!! sobrang tuwang sigaw ni Papa Mark sa kabilang linya.
Haha BABY?? Yun ba ang gusto mong tawagan natin ha M-mark? *^-^* kinikilig kong sabi sa kanya
I love you too baby ko *^-^* sabi ko na medyo mahina.
Ano sabi mo baby? Di ko narinig! Pwede mo ba ulitin? Hahaha tawa tawang sabi ni Mark na may halong pangungulit.
Sabi ko, I love you baby ko. Nahihiya ko pa ding sabi.
Ano? Di ko talaga marinig eh nabibingi ata ako hahaha. Tanong ulit ni Mark
SABI KO MAHAL DIN KITA BABY MARK ANTHONY DIONISIO KO! AKIN KA LANG HA! LAGOT KA SA AKIN PAG NILOKO MO KO! sigaw ko sa kanya na halos mapatid yung litid ko sa leeg.
Hahahaha di mangyayari yon baby ko! I love you! Mmmmwuahhh pag nagkita na tayo pwede ko ba makuha yung inaasam kong matamis mong halik? Hahaha.
Che! Hmpft wag ka nga! Binabawi ko na pala yung sinabi ko kanina! Manyak! Hmpft >.<
Hala grabe naman! Manyak kaagad? Saka wala ng bawian.. Narecord ko kaya yung buong sinabi mo. Gusto mo iparinig ko sayo? Hahahaha saka matatanggihan mo pa ba ako? Ehh ang gwapo ng boyfriend mo oh! Sige ka pag ako nawala sayo. . .
Waaahhh grabe pahingi nga ng jacket nilalamig ako. Saan kaya nanggagaling yung hangin dito sa kwarto ehh nakasara naman yung pinto papuntang terrace. Sarkastiko kong sabi sa kanya.
Haha be thankful baby kasi kung di dahil dyan sa hangin na yan edi hindi ka na sana humihinga ngayon. At syempre ayaw ko mangyari yon dahil di pa kami nagiging official ng baby Mickey Dela Cruz ko. Sabi niya with confidence.
Che! Mahangin ka talaga! Inis kong sabi sa kanya pero deep inside sobrang kinikilig ako.
(Sus Mickey kailan ka ba hindi kinilig ha? Haist >.< -mickholette)
Mahangin nga pero mahal mo?! Hahaha pang-aasar pa lalo ng mokong.
Sa sinabi niyang iyon ay kinilig talaga ako. Hindi ko akalain na may tinatagong kasweetan slash kacornihan din itong Papa Mark ko pero erase erase ko na yung tawag na Papa Mark dahil ito ay mapapalitan na at magiging Baby Mark ko..*^-^*
Dito na magsisimula ang panibagong yugto ng aking buhay pag-ibig. Tuluyan na talagang magbabago ang status ko sa facebook na dati'y SINGLE, ngayon ay It's Complicated ay mali pala haha IN A RELATIONSHIP na kay MARK ANTHONY DIONISIO.
Tama kaya ang desisyon ko na piliin ang nararamdaman ko? Ano sa tingin nyo mga readers? Comment nyo nga yung sa tingin nyong tama para ss inyo. Hehe
==================================================================================
Kamusta mga readers, pasensya na ngayon nalang ulit ako nakaupdate. Naging busy kasi ako sa bago kong nilipatang work ehh. Hope di po kayo magsasawang maghintay ng update ko. Nga pala may tinatanong si Mickey. Kung gusto nyo po sagutin yung tanong niya icomment nyo lang po..^_^ huwag niyo din pong kalimutang bumuto..*^-^*
-Mickholette
BINABASA MO ANG
Facebook Love Story (On-going)
RomanceSomeone invites you to the group ♥♥♥♥ ALL RIGHTS RESERVED MICKHOLETTE2014