Notification 3

209 10 1
                                    

Mark's POV

"Hanap ng pwedeng maging kaibigan o ka-ibigan, makakausap, makakakulitan at paglalabasan ng sama ng loob. Matagal na kong naghahanap ng taong magpapasaya sa akin at sana ikaw na yun! ^_^"

post ng isang myembro ng grupo na kinabibilangan ko sa facebook. nagdadalawang isip ako kung magcocomment ba ako o ippm ko SYA mismo. 

madami akong kaibigan at sa tingin ko di naman masama kung kakaibiganin ko din sya at saka sabi nya naghahanap din sya ng pwedeng maging ka-ibigan. sya na kaya yung taong sa tingin ko magpapasaya sakin? hayy daming tanong ang pumapasok sa aking isip.

KUYAAAA!! sigaw ng kapatid ko kaya muntik kong mabitawan ang hinahawakan kong celphone.

ano ba yun? bakit ba sumisigaw ka jan? kitang may ginagawa ako ehh. sabi ko sa kapatid ko.

PINAPATAWAG KA NI MAMA MAY SASABIHIN YATA! patuloy na sigaw ng kapatid ko.

Oo pababa na!  sigaw ko pabalik sa kapatid ko. pero bago ako bumaba galing sa kwarto nagcomment muna ako dun sa nabasa kong post ng isang member.

"AKO" katagang tinype ko sa kanyang post. hayy sana magcomment back sya. pero bago ako mapagalitan ni mama,inistandby ko muna si cp at tuluyan ng bumaba para kausapin si mama.

Mickey's POV

"pata-pata-pata-pon janjannananan" tunong ng cp ko matapos kong malaman na may notification ako sa facebook. nagtataka ba kayo kung bakit ganun ang tunong ng cp ko pag may nagnonotif sakin? haha galing kasi yan sa paborito kong laro sa psp ang PATAPON. hehe try nyu din laruin mag-eenjoy kayo hahaha

nag-eendorse pa ko ng kung ano ano haha baliw baliwan lang? haha. so mabalik tayo sa realidad ng buhay. andito kami ngayon ni bebs sa hapag kainan at kumakain ng almusal. tama kayo ng basa tuwing alas diyes(10am) kami ng umaga nag aalmusal ng kapatid ko. galing namin di ba? hahaha kaya ang ending mga 1 o 2pm na kami nakakapagtanghalian ng kapatid ko.

ikaw lang yun bangs! sinasama mo pa ko sa kalokohan mo. mamaya isipin ng mga readers napakabatugan ko! biglang singit ng kapatid kong si bebs. nababasa nya isip ko? weirdo talaga ng kapatid ko haha pero wag ka love ko yan! ayiehh hahaha..

love love ka jan bangs! kadiri ka haha!

aba talagang nababasa nya nasa utak ko! tsk tsk!

ang tanong may utak ba? wahahahaha pang-aasar ni bebs matapos kong uminom ng mainit init na kape.

ikaw bebs nakaka-ilan ka na ah! mind reader ka ba? sabi ko with matching taas ng isang kilay.

ewan ko sayo bangs! kung ako sayo asikasuhin mo nalang yung nagnotif sayo sa fb. malay mo sya na ang magpapatibok sa nabigo mung puso yuck! sabi nya na may pandidiring ekspresyon sa mukha.

ay oo nga pla nakalimutan ko na may nagnotif pala. masyado akong nawili sa pakikipagkulitan sa kapatid kong si bebs. matignan na nga. hmmm ..

Loading dot dot dot...

Bagal naman ng internet ko haist hirap talaga ng walang wifi sa bahay pero ok na din atleast may libreng unli ako sa globe hehehe.

Sus,pakabit ka na kasi ng sarili mong wifi para di na tayo nahihirapan eklatera ka! Sabi ng bading kong konsensya.

Ayan nanaman po siya ang bading kong konsensya. Kung may malaki laki lang sana akong sahod edi sana nakapagpakabit na ako ng sariling wifi. Yung mabait kasi naming kapit-bahay ehh binago yung password kaya ayun parang naluging palaka ang lola nyu. Tiis ganda sa libreng facebook ng globe.

Hayy wag ko na nga muna patulan ang bading kong konsensya. Matignan na nga itong fb notif ko.

Loading...

Loading...

Loading...

Click notifications.

WAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!! Sigaw ko to yhe highest level ng malaman ko ang nakalagay sa notif ko!

BOOOGS! Biglang batok sakin ni bebs.

Aray ah! Para saan yun bebs? Sabi ko na may kasamang himas sa ulo kong masakit dahil sa malakas niyang batok.

Eh bangs para kang sira. Sigaw sigaw ka jan! Marinig ka ni daddy patay ka! Teka ano ba kasi yang nabasa mo sa notif mo ha? Tanong ni bebs habang nakunot ang noo.

Bebs! May nagcomment na sa post ko at grabe tuwang tuwa ako kasi...

Kasi... Kasi... Wahhhhhhhhh! Nikikilig ako! Haha.

Kasi? Ano nga kasi bangs! Pasuspense ka pa.

Atat mo noh? Sige na sige na sasabihin ko na. May nagcomment na at sobrang saya ko kasi ang nakalagay sa comment niya ay "AKO".. Wahhhhh! Sabi ko kay bebs with matching kilig kilig on the sides.

Huh? Ikaw yung nilagay niya sa comment? Wahahahahahahaha para kang tanga bangs ang babaw mo! Saka ikaw ang nilagay sa comment? Papansin lang yan! Wahahahahaha.

Ang baliw mo talaga bebs! Di mo ko naintindihan! Nagpost kasi ako dun na naghahanap ako ng kaibigan o kaya ka-ibigan.

At sa di inaasahang pagkakataon eh nagcomment na siya. Ang knight in shining armor ko! Sabi ko kay bebs na mistulang naging hugis puso na ang mga mata.

Sus bangs pa-knight in shining armor ka pang nalalaman jan! Baduy mo! Maka-akyat na nga sa kwarto masisiraan pa ko ng bait sayo!

Watever bebs! Bitter ka lang kasi ako magkakabf na. Sabay irap kay bebs.

Mark anthony dionisio ang pangalan nung nagcomment na siya daw ang hinahanap ko. Matignan nga muna yung profile bago ko siya ipm.

Loading..

Loading..

SHEEEEET!! Bebs! Ang GWAPO NYA! WAHHHHHHHHH!

MALANDI! HALIPAROT! KIRI!

Sigaw ni bebs galing sa kwarto namin!

Bahala siya ang concern ko ngayon ay si papa mark ko!

Ay teh! Ang landi mo din nuh? Malandi ka pa sakin. Nakita mo lang na may itsura para ka ng bulateng nilagyan ng asin jan! Umayos ka nga! Hmmpft! Singet ng bading kong konsensya.

At one more thing teh! Wag ka masyadong halata! Nagmumukha kang desperada eh! Wahaha.

Hmmpft ewan ko sayo! Maipiem na nga lang.

Click message. Compose. Hi mark anthony! I'm mickey dela cruz from marikina, 22, how about you? I've read your comment and i'm quite curious about you. Hope we can talk. Here's my number. You can contact me at 0915XXXXXXX. Send.

Hayy.. Sana naman makausap ko siya.

After 2 years.. 

Unknown number Calling..

Wahhhhh may tumatawag! Siya na kaya ito?

=====================================

AN: hi po sa mga nagbabasa ng story ko sana po wag po kayo magsawang maghintay sa update ko. Vote po kayo.^_^

-mickholette

Facebook Love Story (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon