Mark's POV
matapos kong makausap sa kusina si mama agad akong umakyat at tinignan ang cellphone ko baka may nagnotif na din sa akin. grabe ang ngiti ko abot hanggang langit. bakit kaya ako nagkakaganito haist. mabuksan na nga itong fb ko kung ano ano pa kasi ang pumapasok sa utak ko.
Loading. . . . .
1 new message
pagkaclick ko sa message balloon makikita sa gitna ng facebook, laking gulat ko ng magmessage sa akin yung member ng group na aking kinabibilangan Mickey daw ang kanyang pangalan, dalawampu't dalawang taong gulang at naninirahan ng tahimik sa siyudad ng mga matitibay na sapatos, ang Marikina. minsan na akong nakarating doon sa lugar na iyon. di ko nga makakalimutan amg malaking sapatos dun at ang museum na kung saan nakalagay ang mga sapatos ng dating first lady na si Imelda Marcos. sinabi din ni Mickey na interesado daw siya sa akin na aking ikinangiti. naglagay din sya ng kanyang numero upang aking makausap. tamang tama dahil ako ay nakaunlimited call and text sa globe.
Ngunit..subalit..datapwat, pagdating sa first move ako'y kinakabahan. hayy naku mark kalalaki mong tao bakit natatameme ka jan kilos kilos din pag may time baka maunahan ka! Kinakausap ko ang sarili ko ng may biglang lumabas na bumbilya sa aking isipan! Aha!
(wow ah sosyal yang isipan mo may bigla bigla nalang may lumilitaw na bumbilya maganda yan para kung sakaling magbrown out ehh may ilaw pa din kayo wahahahahahaha -mickholette) magmemessage back nalang muna ako hehe ibibigay ko din ang numero ko baka kung sakali eh sya ang maunang magfirst move. hehehehe. (Unang first move?! wahaha -mickholette)
Mickey's POV
Calling...
Unknown number
.
.
.
.
.
Calling...
Unknown number
.
.
.
.
WAAAAAAAHHHHHH! may tumatawag na sakin. baka si papa mark ko na ito hehe. wait ayos muna ako baka mahalata na kinikilig ako masyado.
Sus,obvious na obvious naman na kilig na kilig ka! Sagutin mo na baka mawala pa! Kalandi! singit ng walang iba kundi ang bading kong konsensya.
hayy lagi nalang siya umeepal. hmpft. bahala na na nga masagot na nga.
Slide Green Call Circle to the right. tapos tapat yung cellphone sa tenga then this is it PANCIT! hehe..Aja! kaya mu yan Mickey! kausap ko sarili ko nababaliw na ata talaga ako haha.
.
.
.
ah-hmmm...h-hello? s-sino p-po sila? nauutal na tanong ko sa kausap ko sa kabilang linya. di ko alam bakit ako kinakabahan.
.
.
.
TEEEHHHHHHHH!!! Kamusta ka na? pasino po sino po sila ka pa jan! nakalimutan mu na ba kami? kami lang naman ang diyosa ng kagandahan,walang iba kundi ang best friends mu! remember mu na ba? sabi ng nasa kabilang linya na halatang halata mu na may pagkakikay ang tono.
ay naku di na ata tayo kilala ni Mickey! nakakalungkot naman na nakalimutan na niya tayo ja! rinig ko ang isa pang boses matapos magsalita nung dyosa daw sa kagandahan! haha
BINABASA MO ANG
Facebook Love Story (On-going)
RomanceSomeone invites you to the group ♥♥♥♥ ALL RIGHTS RESERVED MICKHOLETTE2014