Disyembre 23
isang napakagandang sikat ng araw ang bumungad sa akin pagkagising na pagkagising ko pa lang.
(Yaawwwwnnnn...) sabay inat inat pa..napabalikwas ako ng makita ko sa orasan n mag-10am na pala. Maaga nga pala dapat ako.
Kasalukuyang nag-aayos ako ng gamit para sa eskwela ng maalala ko na semestral break n namin. Ang tanga tanga mo talaga Mark Anthony sabi ko sa sarili ko.
Ako nga pala si Mark Anthony Dionisio isang mag-aaral sa isang kilalang unibersidad dito sa pilipinas. labing walong taong gulang at nakatira sa makati.
Kuya,bumangon kana daw sabi ni mama! sigaw ng kapatid ko galing sa sala.
Oo gising na. Nililigpit nalang itong pinaghigaan NATIN. pinagdiinan ko talaga yung salitang natin kasi kasama ko siya sa iisang kwarto. Tatlo kaming magkakapatid at ako ang panganay sa amin.
Paglabas ko ng pinto agad kong nakita ang magaling kong kapatid na nakahiga sa sofa at nanonood ng telebisyon. Napako ang aking mga mata sa isang t.v. commercial.
Globe offers you a FREE Facebook. Just dial *143#
Sa globe, hawak mo ang mundo.
talaga? libre? tanong ko sa kapatid ko matapos kong panoorin ang nasabing patalastas.
Oo kuya sabi sakin ng kaklase ko natry daw nya. hehe. try mo na din kuya malay mu mahanap mo na yung taong magmamahal sayo!
ARAY! sigaw ng kapatid ko matapos kong mabatukan. Ang dami mong alam ha! pati sa pagmamahal, sumbong kita kay mama't papa eh! sabi ko na may kasamang pananakot.
hmm..try ko nga kaya yung promo ng globe na yun.
wala naman sigurong mawawala sa akin kung gagawin ko. kausap ko sarili ko habang papunta sa hapag-kainan para mag-almusal.
Mark, anak, kamusta pag-aaral mo? tanong ni mama ng makita akong papaupo sa harap ng lamesa.
ok naman ma, mejo madaming ginagawa pero kaya naman. sagot ko kay mama habang naghahalungkat ng pwedeng makain sa lamesa.
Mabuti naman kung ganon. Oh siya kumain kana. Anjan sa gitna yung tinapay wala tayong palaman. tiis muna. wala din kasi masyadong kita ang tatay mo. sabi ni mama na may malungkot n ekspresyon ng mukha.
Ok lang ma. naiintindihan ko. sa susunod nga pala na mga araw mag-oovertime ako sa pinapasukan kong fastfood chain ma. pakisabi nalang po kay papa. malambing kong sabi sa aking mama.
Matapos kong mag-almusal, pagkapasok ko sa kwarto, agad kong tinry yung Free Fb.. hehe excited na di malaman ang nararamdaman ko ngayon..hehe.. pagkabukas na pagkabukas ko pa lang ng account ko nagulat ako at may nag-add sa akin s isang grupo. grupo na kung saan pwede maghanap ng kaibigan at maaring maging ka-ibigan. napako ang aking mata sa isang post na magpapabago sa takbo sa aking buhay.
Mickey's POV
Hayyy grabe nakakaantok naman pero kailangan ko itong gawin para sa kahilingan ko. Sabi ko sa sarili ko pagkauwing-pagkauwi ko galing sa simbahan. Time check 5:30am na pala ilang araw na din akong nagsisimba ng madaling araw dahil sa nakaugalian kong bumuo ng 9 na araw ng simbang gabi para matupad ang kaisa-isang hiling ko at ito ay magkaroon ng isang seryoso at magandang buhay pag-ibig. Sabihin nyo na kung ano gusto nyong sabihin pero yun ang gustong paniwalaan.
Hayyy...pangalawang beses na akong bumubuntong-hininga. Di pa din kasi ako dalawin ng antok. Ano kaya magandang gawin? Tanong ko sa sarili ko kaya bigla kong kinuha ang cp ko na nasa uluhan ng kama ko.
Pindot dito pindot doon. Swipe dito swipe doon. Kung ano anong bagay na ang ginawa ko sa cp ko para lang makatulog ako ngunit bigo pa din ako.
Biglang may light-bulb na lumabas sa aking ulo! Alam ko na magfafacebook na lang muna ako. Normal na sakin ang magfacebook bago matulog.
Pampatulog ko na nga ata ito eh haha. Nung nakaraang buwan pa ako nagregister sa promo ng globe na free fb at di ko akalain na mapapagana ko sya sa cp ko. Im so bright! Hahahaha. Sabi ko sa sarili ko nang may nagsalita mula sa aking isipan.
Ayan nanaman po si Mickey nagbubuhat nanaman ng sariling bangko. Facebook lang bright ka na kagad? Haler?!
Walang iba kundi ang bading kong konsensya at binabara nanaman ako.
Hayy wag kana umeps konsensya pagbigyan mu na ako pasko naman eh sagot ko sa bading kong konsensya.
Watever! Huling sabi ng aking konsensya.
Matapos ang parang tangang pakikipagusap ko sa bading kong konsensya saka ko inisa isa ang mga notifs at msgs ko ngunit ni isa sa mga yun ang hinihintay ko. Asa ka nanaman ba teh? Biglang singit ng bading kong conscience. Shut up! Hmft makatulog na nga lang. Sabi ko ng may pagkabalisa.
10am
TIKTILAOK! TIKTILAOK! TIKTILAOK! pucha naman oh sino ba namang nilalang ang nagiingay ng ganitong oras? Apat na oras pa lang tulog ko pwede ba? Galit kong sabi kung kanino man yung maingay na alarm na iyon.
Oy! Celphone mo yon! Bumangon kana kaya! Ayan kasi puyat ng puyat! Sino ba kasi pinagpupuyatan mu sa gabi ha? Bangs? Pang-aasar ng magaling kong kapatid na babae.
Manahimik ka nga bebs! Wala pa kong matinong tulog kung ayaw mo matulog please magpatulog ka! Tama kayo ng basa bebs ang tawag ko sa kapatid kong babae di dahil sa babes ko sya kundi galing yun sa pangalang BEBANG! Haha kilala nyo ba un? Siya yung panget na ginampanan ni Michael V dati sa t.v. Haha.
Bangs,tayo na jan! Cge ka uubusan kita ng almusal sarap kaya ng almusal natin! Sabi nya na may halong pang-uuto.
Anong almusal? Biglang bangon ako. Haha. Napaghahalataang mahilig kumain.
Secret! Bumaba ka na kasi pag di ka bumaba uubusan talaga kita! Sabi ni bebs.
Ok! Bababa na! Sabi ko sabay ligpit ng kama. Pero bago pa man ako makababa ehh naalala ko yung cp ko. Kinuha ko ito at binuksan ang facebook. Sa di malamang dahilan naisip kong magpost sa isa sa mga grupo ko.
Nagbakasakali na kung may papansin eh sa tingin ko dito na ko magiging masaya.
Hanap ng pwedeng maging kaibigan o ka-ibigan, makakausap, makakakulitan at paglalabasan ng sama ng loob. Matagal na kong naghahanap ng taong magpapasaya sa akin at sana ikaw na yun! then after ko matype yun i press post!
==================================================================
AN: pasensya na po matagal ako nakapag-update nasira kasi laptop ko ehh kaya di na ko nakapagtype at napag-open ng watty! Vote and comment po..salamat po sa mga nagbabasa ng story ko..
-mickholette
BINABASA MO ANG
Facebook Love Story (On-going)
RomanceSomeone invites you to the group ♥♥♥♥ ALL RIGHTS RESERVED MICKHOLETTE2014