Mickey's POV
Present Day
KRRRRRRRRRIIIIIIIIIIINNNNNNNNGGGGGGGGGGG
.
KRRRRRRRRRIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNNGGGGGGG
.
KRRRRRRRRRIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNNGGGGGGG
.
Wahhhhhhhhhhh!!!!! Ano ba!!!!! Kitang ang sarap ng tulog ko! Sino nanaman bang tumatawag!?
Pikit mata kong kinuha ang mahiwaga kong cellphone sa tabi ko at unti unting minulat ito. Laking gulat ko ng mabasa ang pangalan ni Aeprille sa screen.
Ano kaya ang dahilan bakit siya napatawag ng ganitong oras? Time check 5:30 am.
Pagkasagot na pagkasagot ko pa lang.
MICKEYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY!!!!!!!!!!!!!!!!!
Isang malakas na hiyaw ng aking pangalan ang bumungad sa akin.
Neng, anong nangyari at napatawag ka? Saka wag ka sumigaw. Kagigising ko lang. Inaantok na sabi ko sa kanya.
Aba teh! Di mo sinabi na kailangan pala ng online ek ek sa N.B.I. naloka ako dito. Di ko alam. Ang napagusapan lang natin kahapon eh yung online registration sa pagaapply bilang teacher applicant. Hayy..what am i gonna do now? Help me Mickey! Please?? Sabi ni Aeprille na di malaman ang gagawin.
Ah ganun ba? Haha pasensya. Ganito gawin mo. Ek ek ek ek.
Sa dami ng pinagsasabi ko bigla kong naalala yung panahon na kukuha ako ng kauna unahan kong N.B.I. clearance.
December 23, 2013
Mickey's POV
Tagal naman tumawag ng baby ko. Kamusta na kaya siya? Baka may iba ng lumalandi dun ah! Naku naku lagot ka sakin mamaya pag nalaman ko yan! Hmpft >.<
Pero bago pa man ako makapag isip ng kung ano ano biglang nagring yung phone ko at tanong niyo kung sino? Wahhhhhh walang iba kundi ang my oh so handsome and sweet boyfriend!! BABY MARK KO!!!
Sa sobrang pagmamadali kong masagot ko ang cellphone ko, muntik ko na itong malaglag at nagulat ako ng may marinig akong tumawa sa gilid ko.
WAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!! Antanga mo Bangs wahahahahahahahaha sayang di nalaglag. Di mo na sana makakausap ang knight in shining armor mo iwww hahahaha. Pang-aasar ni Bebs.
Che! Wala ka lang kasing lovelife kaya ka ganyan! Sus if i know mas magiging malala ka pa pag nagkaroon ka ng lovelife. Sabi ko na may halong pang-aasar.
Madali kong sinagot yung tawag ng pinakamamahal kong Baby. Breathe in. Breathe out. Ok kaya ko to! ( baliw baliwan lang Mickey? hahaha -Mickholette)
Hello baby! Ano nangyari sayo? Bakit antagal mo sagutin ng tawag ko? Maynangyari bang masama? Tanong ng bf ko na may halong pag-aalala.
O-okay lang po ako baby ko. Sorry medyo nanginginig boses ko. Muntik ko na kasi mahulog itong cp ko eh haha. Nahihiyang sabi ko.
Ay sus! Sa sobrang pagkahumaling sa napakagwapo niyang boyfriend kaya natataranta ka sigurong sagutin yung tawag ko noh? Hahaha okay lang yan baby ko. Naiintindihan ko naman eh. Kung ako ba naman nasa kalagayan mo ehh di rin ako magkanda-ugaga sa pagsagot lalo na pag aam kong napakagwapo ng makakausap mo hahahahahaha. Sabi niya with full of confidence.
Ahem ahem! Nasamid ata ako. Bakit kaya may boyfriend akong overconfident? Okay fine gwapo ka na pero di ako sobrang nahuhumaling sayo noh? Kapal mo! Hmpft >.< saka anlakas talaga ng hangin mo. May dala ka bang electric fan jan? Baka naiwan mong bukas hahahaha. Pang-iinis kong sabi sa kanya.
Hahaha anyway baby, im home na! Tuwang tuwa si mama sa regalo kong kabayo. Saka sobra ko din namiss ang boses ng pinakamamahal kong baby. Ako ba hindi mo namiss ha baby ko?
Sus boses ko lang ata ang namiss mo. Hmfpt >.<
So kamusta naman ang byahe mo? Hmm baby? Hmm. . . Sabi ko na may pag-aalangan.
Okay naman naging byahe ko baby medyo traffic pero sandali lang. Nakikisama nga sakin yung traffic eh. Gusto din ata na makapagusap na tayo hehehe. Teka ano yun baby? May gusto ka bang sabihin?
Kakainis talaga tong boyfriend ko. Lakas makapagpakilig. Mahinang sabi ko.
Ano yun baby? Tanong niya.
Ahh wala.. Ahmm i just want to ask, alam mo ba kung saan pwede makakuha ng N.B.I. clearance? Kailangan ko kasi. Nahihiyang tanong ko sa baby ko.
N.B.I. clearance? Hmm.. Bakit baby? Para saan? Nagtatakang tanong niya.
Ay! Di ko pala nasabi sayo baby na magaapply na ko sa public school at isa sa mga requirements yung N.B.I. clearance. Alam mo ba kung saan pwede makakuha noon?
Hmmm...That's good news baby!! Hehe magiging public school teacher ka na pala! Hehe tungkol sa tanong mo, oo alam ko kung saan pwede makakuha. May dalawa kang option. It is either sa Robinsons or sa mismong main ng N.B.I. sa Maynila.
Ahh ganon din nga sabi ng dad ko. Pero pwede mo ba ako samahan na kumuha sa mismong main ng N.B.I.?
Nahihiyang tanong ko.
Ano ka ba baby bakit ka nahihiya? Yun lang pala eh Hehe AHA! Ikaw baby ko ha. May iba kang dahilan noh? Kaya mo gusto magpasama sa akin? Ayieehh sabi ko na eh inlove na inlove ka talaga sakin! Pagmamayabang ng oh so mahangin kong boyfriend.
Baliw! Wala! Che! Kung ano ano iniisip mo! Wag na nga lang! Ako nalang magisa pupunta dun. Hmpft >.<
Inis na sabi ko sa kanya.
Ui baby ko! Sorry na! Tampo naman kagad to! Hehe okay sige ganito nalang sasamahan kita sa december 27. Okay na ba yun? Magkita tayo sa LRT 2 sa recto station. Wag ka na tampo baby ko please? I love you.
I LOVE YOU TOO baby ko. Sabi ko
I LOVE YOU THREE. Sabi niya
I LOVE YOU FOUR-EVER! Sabay namin sabi sabay tawa. Hahahahahaha
Okay baby ko! Aasahan ko yan sa december 27 ah!! Mmmwuahh!
Oo para sayo baby ko..mmmmwuahh din!
.
.
.
Madami pa kaming napagusapan ng baby ko matapos naming mapagusapan ang tungkol sa pagkikita namin na iyon sa december 27. This is it pansit! Di ko alam kung nagets niya ba kung bakit gusto ko sya makasama sa pagkuha ng N.B.I. clearance pero para sa akin yun na yung panahon na magiging official na kami! Hehehe napakabright talaga ng utak ko! (Teka mickey, ang tanong may utak ba? Wahahahaha -mickholette)
Mark's POV
Sobrang traffic talaga pag-uwi ko kanina. Share ko lang sa inyo yung nangyari sa byahe ko bago ako nakauwi pero promise nyo na wag na wag niyo ipapaalam sa baby ko ha! Promise nyo yan sa akin readers ah! Hehehe
TEKAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!! bago ka magsalaysay ng iyong kwento, break muna tayo! Hahaha masyado ng napapahaba yung notif na ito! Subaybayan natin sa susunod na kabanata ang kwento ng gwapo nating baby ni Mickey! Wahahaha -Mickholette
Galing mo talaga author! Moment ko na eh! Hahaha oh pano ba yan readers, sabi ni author sa susunod na daw hahaha. Wag niyo ko mamimiss kagad ha? -Mark
Aba! Aba! May pamiss miss ka pang naalaman jan ha baby ko! Hmpft >.< -Mickey
===============================================
Kamusta mga readers? Pasensya di ako nakapagupdate last month. Super madramang ganapan nanaman ang kinaharap ng inyong lingkod pero bawi nalang ako hehehe.. Kamusta etong notif ko na ito? Wag po kalimutang bumoto at magcomment..^_^ Happy 1k po sa story hehehe..^_^
-Mickholette
BINABASA MO ANG
Facebook Love Story (On-going)
RomanceSomeone invites you to the group ♥♥♥♥ ALL RIGHTS RESERVED MICKHOLETTE2014