Mark at Right ------------------------------------------------------------------------------------------------------>
Mark's POV
Ano ba yan..wrong timing naman yung pagcut nung call ko..maalala ko nga pala 5 minutes lang pala bawat tawag ang meron kapag TM ang sim card..
Magkahalong lungkot at tuwa ang naramdaman ko..
Tuwa kasi nakausap ko uli siya at mukhang unti unti na ngang nahuhulog ang loob ko sa kanya pero dumadagdag pa din yung lungkot na namumuo sa akin dahil di ko nasabi sa kanya ng buo yung mga huling katagang nais ko sana sabihin..
Ang salitang
MAHAL NA KITA..
Biglang napabalik ako sa realidad ng biglang tinanong ako ng cashier kung ok na daw ba yung kabayong nilabas nila at tinignan ko. Ahm..
Ok na po yan paki-ayos nalang po. Magalang na sabi ko na may kasamang ngiti sa babaeng kahera na mukhang kinikilig.
Kinuha ko yung cellphone ko at tinext ang nagiisang taong nagpapasaya sa akin.. Si Mickey..
Myko, pasensya na at naputol yung tawag ko sayo..tuwing 5 minutes kasi napuputol talaga.. Maya tawag ako ulit. Tapusin ko muna itong bibilhin ko dito ha. Mwuah :*
Matapos kong masend sa Mickey ko ang text ko saka biglang tanong ng babaeng kahera sa akin.. Ah pogi pwede ko ba makuha number mo? Hihi.. *^_^*
Natawa ako sa reaksyon ng mukha ng kahera kasi para siyang natatae na ewan na may pamimilipit at papungay-pungay pa ng mata.
Sorry miss di ko po kasi ako mahilig makipagtextmate at saka mayroon na pong nagmamay-ari sa puso ko. Sabi ko sa kanya sabay pakita ng picture ni Mickey na nasa wallpaper ng cellphone ko.
Ano ba yan! Haist >.< sayang naman! Hmpft! Gwapo mo pa naman. Hmm anyways, cute siya ha bagay kayo. Pagkasabi niya nun biglang namula ako kasi sa kanya nagmula na bagay daw kami ng Mickey ko.
.
.
.
.
Matapos ko bumili ng kabayo ni mama at ng mga grocery,diretcho na ako sa bench para bumili ng damit na pamasko ko sa sarili ko at makabili na din ng wax. Nga pala tatanungin ko nga pala opinion ni Myko sa isusukat ko kaya madali akong pumili at dumiretcho sa fitting room at sinukat isa isa yung damit. Matapos ko masukat ehh pinioicturan ko sarili ko sa salamin at kaagad na pinopost sa facebook ko ng sa ganoon eh makita ni Myko.
Wala pang ilang minuto eh tumunog ang cp ko at nagcomment kagad si Myko sa mga pictures ko. Nagulat ako ng mabasa ko yung comment niya sa damit na 3/4 na kulay dilaw yung sleeves at hinaluan ng gray sa harap.
.
.
.
.
==============================================
Mickey's POV
Nakakainis kasi biglang naputol ang paguusap namin ng Papa Mark ko! >.<
Ano kaya yung huli niya dapat sasabihin?
Kayong mga readers, alam niyo ba? Sabihin niyo naman sa akin oh!! Haist >.< para akong napaparanoid na ewan.
(Ay hindi pa ba? Haha kala ko matagal na hahahaha -mickholette)
BINABASA MO ANG
Facebook Love Story (On-going)
RomanceSomeone invites you to the group ♥♥♥♥ ALL RIGHTS RESERVED MICKHOLETTE2014