Notification 6

99 8 0
                                    

Mark's POV

Masaya akong kausap si Mickey. Di ko mapaliwanag kung anong saya ang dinulot niya sa akin. Sa dinami rami ng nakausap ko, siya pa lang ang nakapukaw ng atensyon ko. Kasalukuyan kami ngayon magkausap sa cp habang eto ako at naghahanda na sa pagpasok ko sa trabaho ko.

Seryoso ka ba dun sa sinabi mong turuan ulit kita magmahal? tanong ni Mickey na may halong pag-aalala.

Nagtaka ako sa tono niya ng pagtatanong. Magkahalong takot at kaba ang nararamdaman ko sa boses niya. Napagpasyahan kong sagutin ang tanong niya ng totoo at walang halong biro.

Oo seryoso ako. Gusto ko ikaw ang magturo sa akin magmahal muli. Di ko alam pero masaya ako pag ikaw ang kausap ko. Alam ko at ramdam ko na may takot at kaba ka ngayon pero di naman ako nagmamadali. Gusto pa kita makilala ng husto at gusto din kita maging bahagi ng buhay ko.

Ahh sorry ha. Naramdaman mo pala yun. Nahihiyang sabi ni Mickey.

KUYAAAAAAAAA!!!! sigaw ng kapatid ko na halos maputol na ang litid para lang marinig na tinatawag niya ako.

Wait lang mickey ha. wag mo ibababa itong call. sandali lang ako tawag kasi ako ng kapatid ko.

Ok lang. no prob. take your time. sabi niya na mejo nawawala na yung kaba at hiya niya.

.

.

.

BAKIT??????

Sigaw ko pabalik sa kapatid ko na nasa sala.

.

.

.

TAWAG KA NI MAMA!!!

.

.

.

PAPUNTA NA! TEKA LANG!!!

.

.

.

Hello, Myko (short-term for Mickey ko) , ahmm teka lang talaga ha tawag daw ako ni mama. text nalang kita pag pwede na tayo ulit mag-usap. pasensya na.. nahihiya kong sabi sa kanya sa kabilang linya.

M-mayko? sino po yun? Mickey po ako..MAYKI..haha..pero sige na nga mamaya nalang po. wait po kita ha. sabi niya na parang tuwang tuwa.

Ok labyu mwuah! sabay baba ng cp..hehe kulit ko talaga.

.

.

.

Matapos ko makausap si Mickey sa cp, di mawala sa isip ko ang boses niya. Boses na kaaya-aya sa aking tenga. kasabay ng pag-alala ko sa boses niya ay ang mabilis na tibok ng puso ko.. "Boink-boink, boink-boink"(tunog ng puso ko na parang ewan hehe) ng maalala ko yung mga huling katagang sinabi ko sa kanya. Hayy Myko ano ba ginawa mo sa puso ko at pinatibok mo ng ganito! kausap ko sarili ko ng biglang may nagsalita sa likod ko.

Mark anak, may problema ka ba? napansin ko kasi pagpasok ko dito sa kwarto mo ehh napabuntong-hininga ka at may binanggit kang tungkol sa puso. may dinaramdam ka ba anak? sunud-sunod na tanong ni mama na may halong pag-aalala.

Wala po ako problema ma. saka wala po akong dinaramdam sadyang may pagkabaliw lang po anak niyo at kinakausap ko sarili ko. pabiro kong sabi kay mama kaya pareho kaming natawa.

Teka ma,bakit po pala niyo ako tawag? taka kong tanong kay mama matapos kong suotin yung sapatos kong pamasok sa trabaho.

Anak,nagtext kasi yung manager niyo. wala ka daw pasok ngayon at ngayon ang sahod niyo. pwede niyo na daw tignan sa atm niyo kung napadala na. sabi ni mama.

Ah ganon po ba? sayang naman yung bihis ko pero ma,alis muna ako ha. tignan ko po yung atm ko kung may laman na saka po maggrocery na din po ako para sa nalalapit na noche-buena.

Naku anak, ang bait bait mo talaga. pasensya kana samin ng papa mo ha. kahit na may trabaho papa mo ehh nandyan ka pa din at tinutulungan mo ang pamilya natin. sobrang swerte namin sayo. maluha-luhang sabi ni mama.

Wag na kayong mag-alala ma,habang may trabaho ako, tutulong ako sa pamilya natin. at pag nakatapos po ako ng pag-aaral eh di na po kailangan pa ni papa na magtrabaho. sabay yakap ng mahigpit kay mama.

Oh siya humayo ka na. baka gabihin ka pa.

Sige po ma.

.

.

.

Mickey's POV

Nakakahiya naman at nagspace-out ako kanina ng maalala ko ang nakaraan ko. mabuti na lamang at nagsalita si Papa Mark ko. hayyy.. so back to reality.

Seryoso ka ba dun sa sinabi mo na turuan ulit kita magmahal? tanong ko na may halong kaba at hiya.

"Oo Seryoso ako." dun pa lang sa salitang yun tumalbog na ang puso ko (tumalbog talaga? di pwedeng tumibok? haha..^_^ -mickholette) di ko akalain na sa pagkakataong ito ay may taong magseseryoso na muli na magmahal sa akin.

Kinakabahan talaga ako kausap siya. loko kasi itong heartness ko na ito. talbog ng talbog (talbog na naman? di kaya bola yang puso mo? wahahahaha -mickholette).

KUYAAAAAAAA!!!!!!

narinig ko sa kabilang linya. tinatawag ata si papa mark ko at maya maya pa ay nagpaalam siya na wag ko daw muna ibababa. ayun nakikinig lang ako sa kanya habang nag-iinhale exhale ako ng sa gayon eh di na ako kabahan at tumigil n din itong puso ko. (tumigil? hala baka mamatay ka niyan! ayaw ko pa mawalan ng protagonist sa kwento ko! haha -mickholette).

hanggang sa. . .

" Hello, Myko, ahmm teka lang talaga ha tawag daw ako ni mama. text nalang kita pag pwede na tayo ulit mag-usap. pasensya na.."

M-mayko? sino yun? ako ba yun? eh Mickey ang pangalan ko ah! baka nagkamali lang hehe tanungin ko nga.

M-mayko? sino po yun? Mickey po ako..MAYKI..haha..pero sige na nga mamaya nalang po. wait po kita ha. masiglang sabi ko sa kanya.

Hayy Papa Mark.. I think I like you na! Ganda ng boses niya. Malalim na malamig sa pandinig. kyaahhhhhhhh!! sigaw ko sa sarili ko. pero bago pa man ako makapagbabye sa kanya eh nagsalita siyang muli..

"Ok labyu mwuah!" sabay baba sa tawag ko.

WAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!! Sigaw ko pero syempre sa utak ko lang. Takot ko lang marinig ni dad yung tili ko baka mapagalitan pa ako. Hayy kinikilig ako! *^_^* paikot-ikot ako dito sa kama nila mama

.

.

.

habang abala ako sa pagmumuni-muni ko biglang tumunog ang cp ko. . .

"PATA-PATA-PATA-PON JAN JANAN JANJAN"

1 Message received

Papa Mark ko

(wow papa mark ko talaga? kayo na ba? haha assuming lang? di pa nga nanliligaw kayo kagad? bangis mo jan! haha idol! -mickholette)

.

.

.

Opening. . .

.

.

.

.

======================================================

Hi po! kamusta? nabitin ba kayo? hehe ano kaya ang pinadalang mensahe ng papa mark ni mickey? subaybayan po ang susunod na notification! dont forget to vote po and be a follower! salamat..^_^

-mickholette

Facebook Love Story (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon