Chapter 3

123 8 0
                                    

Nandito na kami sa publishing company at super duper late na ako! Tumakbo kami patungo sa publishing office.

"Malapit na!" Sabi ko. Binuksan ko ang pinto.

Tumakbo kami ulit patungo sa desk ko. Ang hirap pa namang tumakbo habang nakaheels!

Hay sa wakas! Nakarating na ako! Phew!

Umupo ako sa upuan ko para magpahinga sandali.

Teka, nasan ba si sir?... Sana hindi nalang siya magpakita.

"You're late."

Ahehe, *lunok* dahan dahan akong lumingon sa tabi ko. Tumingala ako at nakita ko ang mukha ni sir na masama ang tingin sakin.

Sabi na nga ba eh.

"Sir! Pasensiya na po sir kung nalate ako, kasi po--" Sumulyap ako kay Kyle, tinignan ko siya ng 'Tulungan mo ako' look, pero umiling siya. Buwisit! Bumuntong hininga ako at nag-isip ng rason. "Hindi po kasi tumunog yung alarm clock ko."

Parang hindi naman naniwala sakin si sir dahil nakatingin lang siya sakin. *pout* Maniwala po kayo sir. "No excuses Ms. Santos. This is your job. We need to get started right away."

Yes sir, tumango ako.

Umupo siya sa kanyang upuan at sumenyas siya sakin na umupo ako sa tabi niya. Tumayo ako at dinala ko ang upuan sa tabi niya at umupo.

Hinila ni Kyle ang manggas ko at bumulong sa tainga ko. "Christine, parang may problema."

"Ano? Anong problema?" Bulong ko.

Tumingin siya sa mga taong nagtatrabaho rin. "Parang... hindi nila ako makikita."

"What are you looking at Ms. Santos? Look over here." Masama ang tingin ni sir sakin.

Hmp, sungit.

"Oh kita mo? Hindi niya rin ako nakikita at parang hindi niya alam na nandito ako sa tabi mo."

Hala oo nga no? Bakit hindi niya napansin si Kyle? Anong nangyari kay Kyle? Bakit hindi nila makikita si Kyle?

"Tingnan mo, hindi niya ako napapansin." Lumapit siya kay sir at iniwagayway niya ang kanyang kamay sa mukha ni sir. "Hoy! Nakita mo ba ako?"

"Kyle! Tigilan mo yan!"

"What was that?" Tanong ni sir. Sinamaan niya ako ng tingin. *lunok*

"W-wala po." Sinubukan kong magfocus sa kanya na may kinuhang mga papel at tinuro niya ang screen ng laptop.

Ang hirap magconcentrate kung may baliw dito na sumasayaw sa office. "Yup, hindi talaga nila ako makikita. Galiiiing." At sumasayaw na naman siya na parang baliw.

Pinigilan kong tumawa. Baka magalit na naman si sir.

"Ms. Santos, are you paying attention?"

Sabi na nga ba eh. Tumango ako kahit hindi naman talaga ako nakinig kay sir.

Kyle please, tumigil ka na. Wag ka nang sumayaw diyan na parang baliw.

"Opo, so anong gagawin natin ngayon?"

"Well if you were listening, you'd know that I wanted to introduce our first project."

Si Kyle po kasi eh. *pout*

"It's a romance story aimed at young women. Kind of a typical one for the genre."

Ooooh, gusto ko to.

Binigay ni sir sakin ang mga papel at tinuro niya ang title.

"Blossoms of May? That's uh, flowery?" Sabi ko tapos tumingin ako sa kanya.

Ghost Love (Short Story)Where stories live. Discover now