Chapter 16

33 6 0
                                    

Biglang natuyo ang bibig ko habang inaalala ang mga salita na sinulat ko sa mga liham. Ang aking mga nararamdaman, my guilt, ang aking katakutan... ang lahat ng mga bagay na gusto kong sabihin kay Kyle pero hindi ko magawa. "Wala lang yan. I-ibalik mo lang yan sa ilalim ng kama--"

"Sino si Kyle?" Sumeryoso bigla ang mukha ni Vince.

Vince... tama na please.

"Uh, ano... he was my... old friend." Tumingin ako bigla kay Kyle, nagsimula na akong matakot.

Namula si Kyle at bumukas ang kanyang bibig.

Hindi niya pwedeng malaman ang mga liham!

Pero huli na...

Lumingon ako kay Kyle. "Kyle--" Nagulat ako nang ngumiti siya.

Lumapit siya sakin at bumulong sa tainga ko. "Okay lang Christine, alam ko na."

Nanlaki ang mga mata ko. Lumayo ako sa kanya. "A-alam mo?"

Alam na niya tungkol sa mga liham? Ilan na ang nabasa niya? Lahat ba?

"Cristy, okay ka lang? Pwede ko namang ibalik to. Nanginginig ka." Sabi ni Vince.

"O-okay lang ako." Lumapit ako kay Vince at kinuha ang mga liham.

He automatically looks sorry. Pero hindi ako nakafocus sa kanya.

Maraming tumatakbo sa isip ko. Alam na ba niya ito noon? Na nagsulat ako tungkol sa kanya araw-araw? Na minahal ko siya noon? Na responsible ako sa kanyang pagkakamatay?

Baka ito yung gusto niyang sabihin sakin ngayon, na nabasa niya ang mga liham. I'm sure he hates me now. I should have known this all couldn't last.

Lumapit si Kyle sakin at hinawakan ang mga balikat ko. "Christine, chillax lang. Gusto kong mag-usap tayo tungkol dito--"

"Kyle, sorry, sorry talaga." Nangilid na yung mga luha ko.

Akala ko may oras pa ako para makausap ko siya, pero masyado akong nag-aksaya ng oras. And now the choice was made for me.

"Cristy, anong nangyari?" Tumayo na si Vince pero hindi siya lumapit sakin. Nagdalawang isip pa siguro siya kung lalapit ba siya sakin o hindi.

Hinawakan ni Kyle ang mga pisngi ko. "Christine, tumingin ka sakin. Hindi ako galit sayo."

Tumingin nga ako sa kanya. "Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Ang sama ko talaga, tinago ko lang sayo ang lahat." Nagsimula na akong umiyak.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko...

Pinunas niya ang mga luha ko gamit ang kanyang daliri. "Christine, you've got it all wrong. I--"

"Alam ko, hindi ako naging mabuting kaibigan sayo. Kasalanan ko lahat." Pinunas ko ang mga luha ko gamit ang mga kamay ko. Tinalikuran ko siya at nagsimulang maglakad paalis sa kwarto.

Pero hinawakan agad ni Vince ang mga balikat ko. "Cristy, anong nangyari? Sino si Kyle?" Pinaharap niya ako sa kanya at tumingin ako sa kanyang mga mata na halatang nag-alala siya sa akin.

Suminghot ako. "Hindi mo maintindihan..."

Everything seems to be toppling all at once...

"Or is it finally falling into place?"

Ay kalabaw! Sino yun?

Napuno ang kwarto ng maliwanag na ilaw. Tumingin ako sa bintana, bukas yun...

Nakatayo dun si Ophelia. Bakit nandito yang pusa na yan? At may boses na nag-e-echoe. "You've been running circles in the darkness for far too long. The truth will finally come to light." Tumalon siya sa ulo ni Vince at tinapik ang ulo.

Ano? Yun lang?

Nagulat ako ng nawalan ng malay si Vince. "Vince!" Lumuhod ako at niyugyog ang mga balikat niya. "Vince!"

*Few minutes later*

Hay sa wakas! Dumilat na ang ating prinsipe! Kinusot niya ang kanyang mga mata at napadaing siya.

"Vince?" Sabi ko.

"Ano..." Bumangon siya at tumingin sakin. Tapos inikot niya ang kanyang tingin sa kwarto hanggang sa tumigil siya kay Kyle, nanlaki pa ang kanyang mga mata. "Si-sino ka?!"

"Uhh... hehehehe..." Kinamot ko ang aking ulo. Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko.

Anong sasabihin ko?

Tinignan niya ako. "Cristy, pwede mo bang ipaliwanag sakin? Ano ba talagang nangyari?"

Seryoso na siya mga bes.

Tumingin sakin si Kyle na parang nagsabi siya sakin na 'Sabihin mo na.'

Tumingin ako ulit kay Vince. Nagsimulang manginig ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung saan ako magsimula. "P-pasensiya na!" Umalis ako agad sa kwarto.

Ito na siguro ang natural instinct ko noh? Ang pagtakbo... as usual.

"Christine!" Sigaw ni Kyle.

"Cristy! Sandali lang!" Sigaw ni Vince.

Pareho nila akong hinabol.

Ano to? Habul-habulan? Ganern?

Pinapawisan na ako habang tumakbo ako paalis sa bahay. Tumakbo ako ng mabilis na mabilis. Gusto kong lumingon pero di ko magawa. Takbo ako ng takbo hanggang sa may nakita akong kalsada.

Tumulo ang mga luha ko, hindi ko nga alam kung bakit ako umiiyak.

Ang tanga ko talaga. Bakit ko to ginagawa? Ganito na ba talaga ako?

I let Kyle's death control my life for so long. I've always carried this burden, the responsibility for what happened. I always felt so guilty, nang malaman ko na kasalanan ko kung bakit namatay siya. Pero sa huli, I was just storing up pain in my heart.

Pero... nitong mga nakaraang buwan ay naging kakaiba. I've finally started to move forward... with a new job, bagong bahay, a new outlook... at... at kasama rin si Vince. Nagsimula na akong magbago. Couldn't I finally make things different?

"Cristy! Cristy!" May nag-e-echoe na boses ng lalaki, at familiar din sa mga tainga ko.

Sigurado ako na si Vince yun.

I can't talk to him right now!

Gusto kong sabihin sa kanya na ipapaliwanag ko lang ang lahat, na magiging maayos lang ang lahat, pero duwag ako. Hindi ako handa. Sinasabihan ako ng mga paa ko na tumakbo ako. Kaya tumawid ako sa kalsada habang tumatakbo, tumutulo pa rin ang mga luha ko.

Pasensiya na...

"Cristy! Wag!" Sigaw ni Vince.

Hindi ko pinapakinggan ang kanyang mga sinabi at tumakbo pa rin, pero may papalapit na kotse sa akin.

"Cristy! Huminto ka!" Sigaw pa rin ni Vince.

Ang ganitong pangyayari ay familiar na naman sakin. Parang nagslow motion ang lahat habang lumingon ako sa kanya.

"Cristy!" Kumirap ako para maalis yung ibang luha at nakita kong tumakbo patungo sakin si Vince.

Ano?...

Tinulak niya ako at... naalala ko na naman na nakita ko na to dati...

Hindi... hindi maaari... si Vince...

"Vince!" Sigaw ko.

Huli na para mag-isip, huli na rin para kumilos. Malapit na ang kotse sa kanya.

"VINCE!"

The screeching of brakes hits the heavens like a shriek. But it will not be enough. I shut my eyes at the terrible moment of impact.

Vince... pasensiya na kung napahamak ka dahil sakin. Mahal na mahal kita.

Ghost Love (Short Story)Where stories live. Discover now