Chapter 18

43 7 0
                                    

Tumingin ako sa kanya. "So kung gawin natin to, maaari nating tulungan si Vince?"

Tumango siya. "If you turn back time, hindi sana siya nakahiga dito ngayon. With a change in the timeline, this sequence of events can be avoided."

"Pero ang mga alaala namin... mawawala yun noh?"

Hindi, hindi ako papayag na basta-basta nalang mawawala ang mga alaala namin. Napakahalaga sakin ang mga alaala namin. Tama yan Christine, ipaglaban mo siya.

"Oo, tama ka. Baka hindi mo na siya makikita kahit kailan. Okay lang ba yun sayo?"

Huminto ako saglit.

Okay lang ba? Na iligtas ko ang buhay ni Vince pero ang kapalit nun ay kakalimutan ko ang mga oras na nagkasama kami? Kaya ko ba?

...

Oo kaya ko, para sa taong mahal ko. Gusto ko siyang iligtas kahit na ang kapalit ay ang mga alaala namin.

Pero bago akong magsalita, may mahinang boses kaming narinig sa tabi ko.

"Hindi... hindi ba akong pwedeng magsalita?" Ngumiti siya ng pilit samin.

Nanlaki ang mga mata ko at lumingon ako sa kanya. "Kanina ka pa nakikinig samin?"

"Kanina pa ako gising simula nung pumasok ang doktor kanina. Gusto kong sabihin ang parte ko naman. Naniwala na ako sa miracle ngayon. Nakita ko yun sa mga mata ko. Pagkatapos sa sinabi ng doktor kanina, parang ang mga araw ko ay limitado nalang. Pasensiya na, hindi ko sinasadya na mangyari to."

"Papayag ka ba? Na ibalik ang nakaraan?"

Tinuro niya ang liham. "Binasa mo pala ang liham ko Cristy. Hindi ako nagsisi sa lahat." Ngumiti siya sakin. Nagmotion siya sakin na lumapit ako sa kanya.

Lumapit naman ako.

"Sana sinabi mo yan sakin noon, papayag sana ako, pero nagbago na ako. Nagmove on na ako sa aking nakaraan. Natuto na akong magtiwala ulit. Natuto na akong magmahal ulit." Huminto siya saglit at ngumiti siya sakin. "Even if the future is uncertain, di ko gustong i-bago ang mga pinagsamahan natin kahit katiting lang."

Umiwas ako ng tingin. "Di ko alam kung anong sasabihin ko. I'm glad you feel that way, pero gusto kong gumaling ka."

"Of course I want to get better too Cristy. Ano... hindi ko lang gustong masayang yung mga alaala natin, parte na yun sa akin." Napansin niyang nagbago ang expression ng mukha ko.

Kayo nang bahala kung anong expression ang nasa mukha ko ngayon. Mag-imagine nalang kayo na para akong baboy na nagmukhang ewan. Biro lang yun guys, wag niyo naman masyadong seryosohin.

"Cristy, sa huli, ikaw pa rin ang magdesisyon. Gusto ko lang malaman mo kung anong iniisip ko. But this is a choice you have to make."

Napakakomplikado talaga ng buhay no?

I thought picking Kyle meant I was holding on to my memories. Na kung pipiliin ko si Vince ay kailangan kong magmove on nang wala si Kyle. Pero sa huli, kabaligtaran lang pala. I can keep the past and hold onto my memories with Vince or start with a new future with Kyle.

"Anong pipiliin mo?" May pamilyar na boses akong narinig, teka...

Si Ophelia!

Nakita kong pumasok siya galing sa bintana. Tumalon siya sa kama at umupo at tumingin sakin. Hinaplos ko ang ulo niya. Bumibigat ang naramdaman ko saking dibdib. Hoy, hindi boobs ang ibig kong sabihin.

Bumuntong hininga ako. "Ang hirap naman. Mas mahirap pa kaysa sa Math. Mas gusto ko pa ang Math kaysa nito." Tumingin ako kay Kyle tapos tumingin ako kay Vince.

Ghost Love (Short Story)Where stories live. Discover now