Chapter 7

62 7 0
                                    

Pupuntahan ko nalang siya bukas.

Nagtext ako sa kanya.

To: Vincent

Salamat Vincent, at sorry din. Magkita tayo bukas, ikaw nalang ang magdesisyon.

Naghintay ako sa kanyang reply.

*ting!*

From: Vincent

How about that new cafe in town? Sa tanghali?

To: Vincent

Sige, see you then.

*ting!*

From: Vincent

See you.

Nilagay ko ulit ang phone ko sa bedside table tapos tumingin sa kisame.

...

Pumayag ba talaga akong makipagdate sa boss ko?

*iling* *iling*

Hindi to date, hindi to date! Makipagkita lang ako kay Vincent sa cafe, yun lang.

Today's been so strange, I'll figure it out tomorrow.

Pumikit ako at natulog.

Zzzz...

Bukas...

Gumising ako ng maaga para maghanda. Lumapit ako sa wardrobe ko at tinignan ang mga damit ko para sa susuotin ko mamaya, maybe I can make a nice outfit.

"Hmm, anong susuotin ko mamaya?"

"What's up Christine? Naghanda ka ba para sa date mo?"

"Ay baboy na kamukha ni Kyle!" Napatalon ako sa gulat.

Nakuuuu! Ginugulat na naman niya ako!

Sumimangot siya tapos ngumisi siya at nagpogi sign pa. "Ang gwapo ko namang baboy."

Tsk, teka, pano niya nalaman?

Umiwas ako ng tingin at naghanap nalang ng damit para mamaya. "Hindi t-to date no! Makipagkita lang ako kay Vincent mamayang tanghali. I just wanted to look nice. Minsan lang ako makipagkita sa mga tao noh." Namula ako.

Ngumisi siya. "Date pa rin yun. Have fun Christine." Lumapit siya sakin at inakbayan ako at pinisil niya ang pisngi ko.

Aray! Mashakit!

"Dalaga na ang baby girl ko, huhuhu."

Mas lalong namula ang mga pisngi ko. "Salamat Kyle, pero PLEASE LUMAYO KA NA?! MASAKIT NA ANG PISNGI KO! Tsupi!"

Tumawa siya tapos inalis niya ang kanyang braso sa balikat ko. "Hahaha, ang cute mo." Akmang pisilin niya ulit ang pisngi ko nang hinampas ko ang kamay niya. Sumimangot siya ulit. "Aray! Mashakit yun ah!"

"Ayan! Quits na tayo! Bleh!" Binilatan ko siya.

"Aba ikaw bata ka! Lumapit ka dito!" Uh oh, takbooo!

"Waaaaah!"

Pagkalipas ng 4 na oras...

Nakarating na ako sa cafe. Umupo ako sa upuan na nandito sa labas.

 Umupo ako sa upuan na nandito sa labas

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Ghost Love (Short Story)Where stories live. Discover now