Chapter 10

44 6 0
                                    

Si Kyle ay palaging masaya, maingay, makulit, adventurous, pero wala namang taong palaging masaya. He was trying so hard... so hard to be noticed. Naalala ko pa nung bumisita ako sa kanyang bahay, may mga kapatid siya pero walang gustong makipag-usap sa kanya. Naalala ko rin nung nakita ko siyang naglakad sa hallway sa paaralan, masaya niyang binati ang mga estudyanteng madaanan niya pero walang pumansin sa kanya. Napakalonely niya noh? Naawa nga ako sa kanya.

Pero at least, nandito ako sa tabi niya.

All this time, I knew he felt like this, pero wala akong sinabi. Ang manhid ko talaga... eh di kami na ang manhid, lol.

Niyakap niya rin ako. "Christine... Sa totoo lang... may rason ako kung bakit gusto ko siyang makita." Huminga siya ng malalim. "A LIFE FOR A LIFE: LOVE NEVER DIES. Nalaman ko na kung anong ibig sabihin yun." Ngumiti siya ng pilit.

Bumitaw na ako sa kanya at tinignan siya. "Huh? Anong ibig sabihin nun?"

Ngumiti siya at inakbayan ako. "Minsan, kung may sobrang pagmamahal diyan sa puso mo, maaari kang magwish. A wish to sacrifice part of your life for another's. That's how Ophelia brought me back. May siyam na buhay naman siya, but they're cat lives, hindi human lives, kaya hindi to panghabang buhay. At umasa ako na since gusto ako ni Evelyn dati... baka buhay na ako ngayon kung sobra ang kanyang pagmamahal sa kanyang puso. Pero umasa lang ako sa wala, yun ang expectation ko. At ang reality naman... wala talagang nagmamahal sakin." Bumuntong hininga siya.

Anong sasabihin ko? Paano ko siya matulungan? Ehem, practice muna. 'Minahal naman kita', uhh, hindi. Hindi ko pwedeng sabihin yun noh? Aish! Anong sasabihin ko?! Magulo ang isip ko at hindi ko mahanap kung ano ang tama.

Hindi ko alam kung bakit pero nakonsensiya ako. Kung sana hindi nalang ako nagsend ng email kay Evelyn, kung sana hindi ko nalang binalik si Kyle... kung sana naging mas matapat ako tungkol sa lahat.

Nagsimulang tumulo ang mga luha ko. "Kyle, sorry... sorry talaga."

Nagulat naman si Kyle nang makita niya akong umiyak. "Christine, okay ka lang?"

Mukha ba akong okay? Kailangan pa ba yan tanungin kung halata naman?

Inalis niya ang kanyang braso sa balikat ko at iniharap niya ako sa kanya. Seryoso siyang tumingin sakin. Nang hindi ko kayang tumingin sa kanyang mga mata ng matagal, yumuko ako na humihikbi pa rin. Hinawakan niya ang baba ko at pilit na iniharap sa kanya. "Tumingin ka sakin."

Tumingin naman ako sa kanya pero umiiyak pa rin ako.

Pinahid niya ang mga luha sa mga mata ko tapos niyakap niya ako. "Wag ka nang umiyak, baka mas lalo kang pumangit niyan. Christine, what's wrong?"

May tumulo na namang luha sa mata ko. Huhu, pangit ba ako?

Pinahid niya yun. "Ikaw talaga, bakit ka nag-alala sakin?"

Tumigil na ako sa pag-iyak tapos ngumiti ako. "Dapat kang mag-alala sa sarili mo, pero inisip mo pa rin ang iba."

Why is Kyle suddenly the one taking care of me?

Bumitaw na si Kyle sa yakap. Kitang kita pa rin sa kanyang mga mata na nag-alala siya sakin.

"Kyle, you were never invisible to me."

Bumuntong hininga siya tapos ngumiti siya sakin ng pilit. "Alam ko. You've always been there for me Christine."

Teka, bakit parang kinakabahan ako?

"Kyle?"

"I'm lucky that I got to come back to see you. You're honestly the only one who really knows me. For who I am. But I could never ask you to sacrifice your life for me."

Ghost Love (Short Story)Where stories live. Discover now