Chapter 15

40 6 0
                                    

Pagkatapos ng dalawang oras, tumunog ang doorbell. Tumayo ako para buksan ang pinto. Lumutang naman si Kyle patungo sa tabi ko para tingnan kung sino ang nasa labas.

Binuksan ko ang pinto.

"Hi Cristy." Ang nakangiting mukha ni Vince ang bumungad sakin.

"Hi Vince." Nakangiting sabi ko. Naramdaman kong hindi siya mapakali. "Vince, okay ka lang?"

Ngumiti siya ng pilit. "Wag kang mag-alala sakin."

Binuksan ko ng malaki ang pinto para makapasok siya. "Pumasok ka muna. Magtimpla ako ng juice."

"Hoy, akala ko sabi mo na hindi na siya papasok?" Sabi ni Kyle.

Tsk.

Nilingon ko siya. "Shh..."

"Aba! Hoy! Wala to sa usapan natin!"

Hihihi, magbabago naman ang isip ng mga tao Kyle. Katulad ng mga nararamdaman ng mga tao, charot.

"Kung okay lang sayo eh di sige." Sabi ni Vince. At pumasok na siya.

"Pasensiya na kung madumi ang aking bahay."

Ngumisi siya. "If this were your workplace--"

Sumingit ako agad bago siya magsalita ng hindi maganda. "Hep hep hep! Pero wala tayo sa trabaho. Halika, umupo tayo dun sa kusina."

"Sinabihan na kita. Naglinis ka sana kanina." Kyle said and he crossed his arms.

Tch.

"Shut up." Sabi ko.

"Ano yun?" Tanong ni Vince.

Lumunok muna ako bago lumingon sa kanya. "Umm, n-nagsalita lang ako saking sarili. Ano nga pala ang gusto mo? Apple at lemon flavor lang ang meron ko eh."

"Lemon lang sakin."

Pagkatapos, pumunta kami sa kusina. Naglagay ako ng tubig at ice sa pitsel at hinalo ang juice.

Pinapakita niya sakin ang isang maliit na sobre. "It's not much pero gusto ko lang ibigay sayo to."

Tinanggap ko ito tapos tumingin ako sa kanya. "Asus! Di mo naman kailangang magbigay ng kung ano."

"Basta buksan mo yan mamaya ah?" Namula siya ng kunti.

Ay, ang napakasungit na boss sa lahat ng nakilala ko ay nagbalush? Sabagay, siya lang naman ang pinakamasungit na boss na nakilala ko.

Tumango ako. "Promise."

Ang weird naman noh kung buksan ko to sa harapan niya tapos nagpromise na ako? Di ba guys? Ang weird?

Nilagay ko sa bulsa ko ang envelope. Malalaman ko lang to mamaya kung anong laman nito. Nang tapos ko nang hinalo ang juice, nilagyan ko ng juice ang baso niya, tapos ininom niya.

"Saan mo ilagay ang basurahan?" Tanong niya.

Basurahan? Ay malamang Christine, kakasabi lang niya di ba?

"Ano?"

"Kung lilinisin natin ang bahay mo, kailangan natin ng basurahan." Tinaas niya ang kanyang manggas tapos ngumisi siya sakin.

Tsk, mukhang mali na pinasok ko ang taong allergic sa dumi dito.

"Di ba sabi mo na hindi ka magtatagal dito?"

"Wala akong gagawin ngayon. Pwede naman kitang tulungan."

"Hindi naman natin kailangang--"

Aba, bastos, di pa ako tapos.

Ghost Love (Short Story)Where stories live. Discover now