Chapter 17

46 6 0
                                    

*beep* *beep* *beep*

Ang tunog ng heart monitor ay masakit sa tainga ko.

Ugh, ayaw ko talaga sa mga hospital.

Dumilat ako ng dahan dahan.

Ugh, ang sakit ng pisngi at leeg ko. Tuyo rin ang dila ko. Tubig! Oh my gosh tubig!

Pinatong ko kasi ang ulo ko sa gilid ng kama ni Vince at ang mukha ko ay nakaharap sa gilid.

Hinimas ko ang batok ko. Araaay... ang sakit.

"Christine, gising ka na?" Rinig kong tanong ni Kyle.

Humarap ako sa kanya. "Ay hindi, tulog pa ako, tsk."

Masyado pang blur ang paningin ko.

"May tubig ka ba?" Tanong ko.

Kinamot niya ang kanyang batok. "Ahehe, wala eh."

Tsk.

"Bumili ka!"

"Ah eh, multo ako eh. Pano ako makabili?"

Aish! Ako na nga lang ang bibili! Tumayo ako at padabog na lumabas sa kwarto.

*Few minutes later*

Nandito na ako sa tabi ni Vince. Kasalukuyang nakahiga si Vince sa hospital bed. Ang kanyang katawan ay puno ng bruises. Tumayo ako sa inuupuan ko at umupo sa gilid ng kama ni Vince.

Lumapit si Kyle sakin. "Okay ka lang?"

Ako? Okay? Hindi! Tsk, bakit ba ang manhid nito?

Lumingon ako sa kanya at tinignan siya. "I think so."

Hinawakan niya ang aking kamay.

Aray! Ang sakit! Nakalimutan ko nga pala na may mga sugat din ako.

At tama kayo mga readers... may aksidenteng NAGANAP.

Kahapon, pagkatapos ng aksidente, tumawag ako ng 0909090909 at dinala naman kami agad ng mga paramedics sa ospital. Kaya isang araw na kami nagtambay dito, pero hindi muna ako nagtrabaho dahil naaksidente nga si Vince. Pano ako makakatrabaho kung wala yung partner ko?

Anyway, balik tayo sa kwento. Kailangan agad dalhin si Vince sa ospital, at buti naman na dinala agad siya dito sa ospital, kundi... mamamatay daw siya, sabi ng doktor kahapon. Nawalan kasi siya ng maraming dugo kaya ayun.

Sa simula, hindi nila ako pinapasok sa kwarto kung saan nandun siya. Kaya naghintay ako ng dalawang araw habang katabi ko si Kyle. Hindi pumunta dito ang pamilya ni Vince... kami lang ni Kyle. At dahil sa kabaitan ng isang nurse kahapon, pinapasok niya ako.

Ganito kasi yun...

Flashback...

Vince, sorry na kung nasa life and death situation ka ngayon. Hindi ko mapatawad ang sarili ko kung mamamatay ka.

"Wag ka nang umiyak, ang pangit mo na." Sabi ni Kyle habang pinahiran niya ang mga luha ko.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Tse! Umalis ka nga dito!" Kinuha ko ang panyo ko sa maliit na bag ko at pinahiran ang mga luha na tumulo na naman.

Ngumiti siya at pinisil niya ang pisngi ko. "To naman, biro lang, ang ganda mo kaya, at saka wag ka nang magdrama diyan, kung gusto mong magdrama, sumali ka na sa MMK at baka pwede kang pagbigyan nila. Naramdaman din kita Christine, nalulungkot din ako pero kailangan mong magpalakas para sa taong mahal mo, wag mong ipakita ang mga kahinaan mo, pero alam natin na may limitasyon ang lahat. Kaya stay happy and be strong... for him. Kailangan ka niya Christine, kaya hayaan mong ikaw na naman ang tumulong sa kanya." Niyakap niya ako.

Ghost Love (Short Story)Where stories live. Discover now