Chapter 5

84 7 0
                                    

It's been a couple days since nakita ko si Kyle ulit. Nagsimula na akong masanay sa kanya. Masaya naman siyang kasama dito sa bahay kahit na palagi niyang ginugulo ang mga gamit ko... pati na rin ang buhay ko.

Pumunta ako sa kusina at nagluto para sa almusal namin. Ako ang chef dito sa bahay dahil hindi marunong magluto si Kyle. Naku, kawawa naman ang magiging asawa niya... ay, patay na pala siya, di na siya pwedeng mag-asawa. Hehe, ang sama ko.

Wag niyo nalang pansinin ang sinabi ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Wag niyo nalang pansinin ang sinabi ko.

Nagtaka siguro kayo noh? Oo nga multo siya, pero pwede mo siyang mahawakan, ang problema lang ay hindi niyo siya makita, ako lang. Pwede siyang humawak ng kahit anong bagay pero ang makita niyo ay lumulutang na bagay. Pwede rin siyang kumain, kung inisip niyo na kapag linunok na niya ang pagkain ay mahuhulog lang yun sa sahig, mali, kahit nga kung nasa bibig niya ang pagkain ay hindi na mahulog, ano pa kaya kung nasa tiyan na niya?

"Morning Christine!"

Tch, bakit ba ang kulit nito? Umupo siya sa upuan.

"Good morning."

Minsan, hindi ako makakatulog ng maayos dahil kay Kyle. Ang laki na nga ng eyebags ko.

Ang weird pero... kapag gumising ako ng hating-gabi para pumunta sa kusina at kukuha ng tubig, palagi ko siyang nakikita sa salas habang ang pusa ay nasa kandungan niya at parang may binulong siya sa pusa.

FAST FORWARD...

"Christine! May ipis!" Tinuro ni Kyle ang sahig.

Tch, alam kong walang ipis dito.

And of course, palagi pa rin niya akong inaasar sa trabaho.

"Argh! Ano?!" Napahampas ako sa desk at sinamaan ko siya ng tingin.

Nagpeace sign siya tapos tumawa siya. "Hahahaha, biro lang."

Hindi ako makapagrelax kung nandito si Kyle. Hindi rin ako makapagconcentrate sa trabaho ko dahil sa kanya.

Sinamaan ako ng tingin ni Vincent. Sanay na ako sa mga masamang tingin niya. Bumalik na naman ang sungit mode niya. Alam ko na, kapag nasa trabaho siya, sungit mode ang gamit niya, kapag wala siya sa trabaho niya, mabait mode ang gamit niya. Grabe noh?

-BUKAS-

Sa susunod na araw. Sinabihan ko si Kyle na hindi na niya ako sundin sa trabaho ko.

"Kailangan may iba kang gagawin bukod sa pagsunod mo sakin. Baka paalisin ako sa trabaho ko kapag hindi ako makapagconcentrate."

"Hehe, sorry."

Buti naman na hindi niya yun sineryoso, hindi naman siya mahilig magseryoso. Mabait siya at mabilis lang siyang magpatawad.

Nagdesisyon kami na dito nalang siya sa bahay at maghanap nalang siya kung anong pwede niyang gawin. Wag lang sanang sunugin ang bahay ko.

"Kung marunong kang gumamit ng computer, pwede mong gamitin ang computer ko." Tinuro ko ang aking computer.

Ghost Love (Short Story)Where stories live. Discover now